CHAPTER 5

7 4 0
                                    


Tatlong araw na walang pasok, buti ngayon ay mayroon na. Habang naglalakad ako sa corridor nakita ng dalawang mata ko sina Chris at Shiela.

"Hi best! Di muna ako makakasabay sayo mamaya sa canteen ah! ok lang ba?" sabi nya sabay kapit sa braso ko.

"Sige ok lang! Pero......." tinignan ko sya ng nakakaloko! HAHA!

"ILILIBRE KITA/ILILIBRE MO 'KO" sabay naming sabi at natawa nalang kame.

"Oo na, lilibre na kita! Psh! " sabi nya at umirap. HAHA!

"EHEM!"

Napatingin naman kame ni Shiela sa gilid at nakita namin si Chris.

"Ay! Sige na sis, bye bukas nalang" sabi ni Shiela. Lumapit sya kay Chris at hinila eto palayo.

Naglakad nalang din ako papunta sa room ko. Sa tingin ko di na kailangan ni Chris ng tulong ko, ok na naman sila ni Shiela.

****

Natapos ang tatlong subject at lunch break na. Dahil nga hindi ko kasama si Shiela ngayon kaya wala akong kasama, loner ang peg! HAHAHA!.

Nandito ako sa canteen ngayon at bibili ng biscuit at juice. Diet ako wag kayong ano! HAHA!

"Ay! Miss sor---"

"IKAW?!" sabay naming sabi.

"Haha! Long time no see miss beautiful! " sya.

"Che! Nambola pa! " ako.

" Haha! Nga pala. Anong pangalan mo?" tanong nya.

"Trisha Jerline Angel, kaw? " ako.

"Lester Zian Cruz, nice to meet you Trisha" masayang sabi nya.

"Me too!^_^" ako.

"Wala kang kasabay? Sabay nalang tayo! Treat ko! ^_^" sya.

"Yun! HAHA! sige sabay tayo! Treat mo naman e" ako.

"Haha! Sige hanap ka nalang ng uupuan natin, ako na bibili ng foods." sabi nya at umalis na para bumili.

Humanap na 'ko ng uupuan namin,
kaso puno na kase e. Mayroon naman akong nakita na bakante kaso ang katabi namin mga lalake.

Mukang mga siga pa naman. Psh! Kaya yan Trish! Kaya mo yan!

Nag lakad na ko papunta duon sa bakanteng nakita ko. Habang naglalakad ako, nakatingin naman yung mga lalake sa kin. Nakakailang.

"Hi miss! Dito ka nalang samin umupo oh! May bakante pang pwesto" sabi nung tsonggong prinito. Ang itim kase e tapos ano...yung muka! Tss! Basta!

Di ko nalang pinansin at umupo na.

"Aba! Pre di ata tinablan ng charms mo! HAHA!" sabi nung lalakeng mukang babaero.

"HAHA! Laos ka na pre!" sabi nung chinitong lalake at pinaka matangkad sa kanilang apat.

"HAHA! Sabi ko naman sa inyo, ako talaga ang pinakagwapo sa atin" sabi nung maputing lalake na may pag ka chinito. At nag smirk pa.

"Lul! Mga Gago! Pakipot lang kase yan pero deep inside, gustong gustong nyan ipagsiksikan yung sarili nya! HAHA!" sabi nung tsonggong prinito at nag tawanan at nag apiran pa sila.

Argghh! Iniinis ako ng mga 'to!

"Ano miss? Tama ba 'ko? Alam mo ok lang naman ipagsiksikan mo yang sarili mo sa 'kin e, maganda ka naman at sexy pa! HAHA!" sabi netong tsonggong prinito at umupo pa talaga sa lamesa.

"No thanks! Kung sayo ko lang naman ipasisiksikan 'tong sarili ko *tingin mula ulo hanggang paa* wag na, hindi kase ako pumapatol sa mga mukang unggoy at kulay uling na ka gaya mo!" sabi ko at nag smile sa kanya. Tss!

"Aba! Pumapatol ako sa babae miss, baka gusto mong matamaan?! Tsaka ako mukang unggoy at kulay uling?! HAHA! Patawa ka ata?! Sa gwapo 'kong 'to?" sabi nya.

"Di ako nag papatawa, TOTOO LAHAT NG SINABI KO! KAYA KUNG AYAW NYO PA MADAGDAGAN MAG SILAYAS KAYO SA HARAPAN KO!! MGA BWISET!!" sigaw ko. Nako nasisira ang beauty ko! HAHA!

"DI PA TAYO TAPOS!!" sigaw nung tsonggong prinito at umalis na sa harapan ko.

*clap-clap* *clap-clap*

Napatingin naman ako sa pumalakpak, nakita ko si Lester na nakaupo.Mukang nanonood 'to. Psh!



Enemy become Love  [ON- GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon