Dismayado, may sakit o nalulungkot
Noo mo'y laging nakakunot
Mukha mo'y laging busangot
Di ko alam kanino napupuot
Nais ko sanang lumapit
Ngunit baka ika'y magsungit
Hindi naman laging mainit
Ngunit ika'y nagngingitngit
Maaari ba minsa'y ika'y ngumiti
kahit na pilit pa at sandali
Ikaw ay di na tulad ng dati
Na saya sa mukha ay palamuti
Di ko alam anong nangyari
Sa pag-ibig ba ika'y nasawi?
Ang dating ikaw na magiliw
Kinaiinisan na ngayon ang pag-aaliw
Ako pa rin ay umaasa
Na isang araw babalik ang saya
Muli iyong ngiti ay makikita
Ngiti na dahilan ng aking paghanga
BINABASA MO ANG
Mga Medyo
ПоэзияKapag nalulungkot ako, o nakakaramdam ako ng pag-iisa o inaataki ako ng kawirduhan, sumusulat ako. Hindi ko nga lang alam kung matatawag ko siyang tula pero parang ganoon siya eh. Hindi ako masalita. Hindi rin ako magaling pumili ng mga magandang sa...