IKAW

28 1 0
                                    

Naisip ko, ok lang na may mahal kang iba

Basta makita lang kitang masaya

Oo, alam ko magiging masakit ito

Paano kasi iba ang iyong gusto


Sabi mo dapat humanap na rin ako

Para maging masaya na rin tulad mo

Sabi ko, bakit masaya naman ako ah

Sabi mo iba ang nakikita ng iyong mata


Natanong ko, ano bang nakikita ng mata mo?

Sabi mo, may kulang, yung parang di ka kumpleto

Natawa ako sa iyong sinabi

Kumpleto na nga sana, ikaw lang kasi eh

Mga MedyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon