Tuwing pinagmamasdan ko ang nakangiti mong mukha
Mga kalungkutan ko'y biglang nawawala
Ngiti mo ang siyang aking gamot
Sa tuwing ako'y nakadarama ng lungkotDati ay hindi ko alam
Ang ganitong pakiramdam
Puso'y masayang-masaya na
Makita ka lang nakatawaAlam kong isa lamang 'tong paghanga
Sa isang taong di ko kayang makuha
Kaya ako ay kuntento na
Na sa magasin at iba pa ka lang nakikita
BINABASA MO ANG
Mga Medyo
PuisiKapag nalulungkot ako, o nakakaramdam ako ng pag-iisa o inaataki ako ng kawirduhan, sumusulat ako. Hindi ko nga lang alam kung matatawag ko siyang tula pero parang ganoon siya eh. Hindi ako masalita. Hindi rin ako magaling pumili ng mga magandang sa...