Sa iyong mga ngiti
Ako ay nabighani
Ako ay kinikilig
Tuwing ika'y tumititig
Kutis mo'y maputi
May biloy sa pisngi
Tamang-tama ang tangkad
Lalaking-lalaki ang lakad
Minsa'y iyong napansin
Na sa'yo'y nakatingin
Isang ngisi iyong binilin
Kaya'y napakaway na lang din
Pabebe man nilang tawagin
Sa tuwing ako'y nagpapansin
Wala na akong paki
Basta ako ay HAPPY.

BINABASA MO ANG
Mga Medyo
PoésieKapag nalulungkot ako, o nakakaramdam ako ng pag-iisa o inaataki ako ng kawirduhan, sumusulat ako. Hindi ko nga lang alam kung matatawag ko siyang tula pero parang ganoon siya eh. Hindi ako masalita. Hindi rin ako magaling pumili ng mga magandang sa...