Seventh - Engagement

21 0 0
                                    

Nagising si Sin nang maramdaman ang mahinang pagyugyog sa kanya. Sisigawan sana niya ang nang-iistorbo sa kanya. Higit isang linggo na siyang nagkukulong sa kwarto. Hindi talaga siya lumalabas. Bukod sa ayaw niyang magpatalo sa Papa niya ay ayaw din niyang makita ang pagmumukha nang babae nito pati na ang malditang anak nito.

Pakiramdam niya mababaliw na siya sa bawat segundong itinatagal niya sa loob nang kwarto. Hindi na rin siya dinalaw ni Crystal matapos nang pagtatalo nila noong isang linggo. Wala din siyang balak na maunang kausapin ito.

Inalis ni Yaya Celia ang kumot niya. Napaungol na lang siya bilang pagtutol. Ito ang kaisa-isang tao sa mundo na hindi niya kayang sigawan at itaboy kahit pa galit na galit na siya.

"Bumangon ka na Ella. Hanggang kelan ka ba magkukulong dito?" Sermon nito.

Bumangon na siya pero hindi pa rin siya umaalis sa kama niya. Sinimangutan niya si Yaya Celia. Sa loob nang isang linggo ay wala na itong ginawa kung hindi itanong sa kanya ang tungkol doon at iisa lang din ang sagot niya.

"Hangga't hindi umaalis ang babaeng yun."

Bumuntung hininga na lang ito sa naging sagot niya. Pagkatapos ay naglakad ito papunta sa bintana at hinawi ang mga kurtina. Bumaha ang liwanag sa loob nang kwarto niya at hindi niya napigilang ipikit ang mga mata.

"Yaya nakakasilaw" sabi niya na itinaas pa ang mg braso at iniharang sa mukha niya.

"Anong nakakasilaw. Nagmumukha ka nang bampira sa sobrang putla mo."

Hindi niya namalayan na nasa gilid na ito nang kama niya habang inaabot sa kanya ang salamin. Kinuha niya ang salamin at tiningnan ang sarili.

Ayaw man niyang aminin ay totoo ang sinabi nito. Daig pa niya ang maysakit sa sobrang putla niya. Nanlalalim at nangingitim na rin ang ilalim nang mga mata niya. Mukha siyang puyat gayong wala naman siyang ginawa sa loob nang isang linggo kung hindi matulog.

Inilapag niya ang salamin sa bed side table saka tumayo at naglakad papunta sa sofa. Pabagsak siyang naupo. Nakasunod naman agad sa kanya si Yaya Celia na may bitbit nang tray nang pagkain.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yong bata ka" sabi nito habang inaalis ang pagkain sa tray at inilipat sa mesa.

Dalawang pirasong pancakes tapos scrambled egg ang nasa plato niya. Ipinagbuhos din siya nito nang orange juice sa baso niya. Nang mapuno ang baso ay mabilis niyang inabot at ininom. Nangalahati na ang baso nang inilapag niya sa mesa.

"Wala ka namang kailangang gawin sa akin Yaya" pilosopong sagot niya sabay subo nang pancakes.

Napalingu-lingo na lang ito habang pinuno ulit ang baso nang juice.

Nakakailang subo pa lang siya nang may kumatok sa pinto niya. Napakunot noo siya at sinundan nang tingin si Yaya Celia  na mabilis na naglakad at binuksan ang pinto. Hindi nito pinapasok kung sino man ang kumatok.

Itinuloy niya ang pagsubo habang kinakausap naman ni Yaya Celia ang kumatok.

Hindi niya mapigilan ang lalong pagkunot nang noo niya nang hindi agad bumalik si Yaya Celia. Hindi din niya marinig ang pinag-uusapan nila. Pero napansin niya na sumusulyap ito sa kanya. Nilalakihan niya ito nang mata para itanong kung anong meron pero ibinabalik lang nito ang atensiyon sa kausap.

"What was that about Yaya? Sino yung kumatok?" Hindi na siya nakatiis. Pagkasara pa lang nito nang pinto ay siya na mismo ang lumapit dito.

"Bumaba ka na. Kakausapin ka daw nang dad mo"

"He should come here himself if he wanted to talk to me."

Bumalik na siya sa pagkakaupo sa sofa pero hindi na niya itinuloy ang pagkain. Nawalan na siya nang gana.

I Am No CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon