Second - Wife

100 4 0
                                    

 

Tiningnan ko ang alarm clock sa bed side table ko. Malapit nang magtanghali. Bagama’t kanina pa ako nagising, sinadya ko na huwag munang lumabas para makatiyak na wala na siya pag-bumaba na ‘ko. Ilang sandali pa ay bumangon na ‘ko, nagugutom na rin kasi ako. Nag-rereklamo na nga ang tiyan ko. Hindi na ako nag-abalang magpalit pa nang damit. Bumaba na ako suot-suot ang nighties ko at nagpunta nang dining room.

“Yaya Celia, pahinging tubig.” Sambit ko agad pag-upo ko sa isa sa mga upuan sa dining table. Hinilot-hilot ko ang noo ko habang hinihintay ang tubig. Sumakit ang ulo ko kakapilit sa sarili ko kaninang matulog ulit. Nang iniabot na sa’kin ni Yaya Celia ang isang basong tubig ay mabilis ko ‘yung ininom.

“Masakit ang ulo mo? That couldn’t be hangover?” Napatalon ako sa upuan sabay buga nang tubig na iniinom at napatingin sa nag-abot sa’kin nang tubig. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.  Inabutan niya ako nang panyo pero tinabig ko ang kamay niya at kinuha ang isa sa mga napkins na nasa mesa.

“What the hell are you doing here?” Ibinalik na niya ang panyo sa bulsa niya. Naupo muna siya sa kaharap kong upuan bago sumagot.

“I slept here remember?”

“Of course I remember. Hindi naman ako ulyanin. But you we’re supposed to be gone in the morning.” Hindi ko na naitago ang pagkadismaya sa boses ko. Ni hindi ko pa magawang maupo ulit. Seeing him makes me remember the outrageous things Crystal have said last night.

“Kaya ba ngayon ka lang bumaba thinking na umalis na’ko?” Hindi agad ako nakasagot. Umurong ang dila ko. Obviously nahuli na naman niya ‘ko. But I’m never gonna tell him that.

“Why bother myself that much? For me, you don’t exist anyway.”  sagot ko tapos tinalikuran ko na siya. Babalik na ako sa kwarto ko.

“Hindi ka ba kakain?”

“I lost my appetite.”  Hindi ko siya nilingon at tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-akyat sa hagdan. Pagdating ko sa kwarto ko ay ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa kama. Napapikit ako. Gutom na talaga ako. Nakakainis naman kasi ang lalaking ‘yun. An gaga-aga andito siya at sinisira ang araw ko. Bakit ba kasi siya andito? Wala ba siyang trabaho?

Sobrang naiinis na talaga ako kaya pinadyak-padyak ko ang paa ko. Nalaglag na sa sahig ang ilang unan ko. Kaya lang parang hindi naman nabawasan ang inis ko. Tumigil lang ako nang may kumatok sa pinto.Hindi na nito hinintay ang pagsagot ko at binuksan na ang pinto. Iniluwa nang pinto si Yaya Celia na may dalang tray nang pagkain. Napabuntunghininga na lang siya nang makita ang mga unan na nagkalat sa sahig.

Inilapag na niya ang dalang tray sa mesa. Tumayo na rin ako at naupo sa couch at ininom ang juice na dala niya. Naupo naman siya sa kaharap kong couch. Susubo na sana ako kaya lang napansin ko na nakatitig sa ‘kin. “Bakit?” Napalingu-lingo muna siya. Ganyan siya kapag may nagawa akong kasalanan at nagbabalak nang isang oras na sermon.

“Bakit ba hindi mo sinusunod ang sinasabi ni Sir Matthew?”

“Oh please Yaya. Not now. Don’t mention him. Baka mawalan na naman ako nang gana.”

“Siya ang nag-utos na hatidan ka nang pagkain sa kwarto mo.” Itinaas ko lang ang isang kilay ko at mabilis na sumubo. Gutom na talaga ako kaya pinilit kong huwag nang pansinin ang pinagsasabi ni Yaya tungkol sa lalaking ‘yun.

“Napakarami nang pinoproblema nang batang ‘yun sa kompanya nila tapos nagpapasaway ka pa.” Six years ago nang parehong mamatay ang parents nina Crystal sa isang car accident ay ang kapatid na nito ang nagpatakbo nang company nila. He just turned twenty that time. It would have been impossible kung hindi tumulong ang dad ko.

I Am No CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon