Chapter III

64 4 0
                                        

Fred's P.O.V.


     Nasaksihan ko kung paano nagmahalan si Amber at Maegan.Nakita ko kung paanong mas pinaganda ni Maegan ang mga ngiti ni Amber, kung paanong mas pinakinang nya ang mga mata ng best friend ko.

     Alam ko at ramdam kong mahal din ni Maegan si Amber,kaya hindi ko talaga inakala na mangyayari sa kanila ito.Ayokong husgahan si Maegan.Gusto kong marinig ang panig nya,gusto ko syang magpaliwanag at malaman ang dahilan ng ginawa nya.

     Kung mamamatay buhok lang siguro ako,malamang sinugod ko na si Maegan at kinalbo gamit ang puller hanggang sa magmakaawa na sa puller ko ang mga buhok nya at kusa nang umalis sa ulo nya.O kung pinanganak lang sana akong maitim ang budhi,siguro pinakulam ko na sya para mapuno ng tagyawat ang mukha nya hanggang sa ang tagyawat na mismo ang umayaw sa pagmumukha nya dahil overpopulated na sila.

     Pero ayokong gawin yun at hindi ako ganun.Hindi ako mamatay buhok at maputi ang binti ---eey budhi ko pala.Naniniwala din ako sa sinabi ng isang kaibigan.Sabi niya   'They have their own reasons why they do the things they do.The question is,are their reasons acceptable enough to do those things?,if you want the answer then stay still and LISTEN.   kaya pakikinggan ko si Maegan kapag handa na syang ipaliwanag ang lahat.At kung sino ang kaibigan kong yun? Itago nalang natin sya sa pangalang AUTHOR.

     "Fred why are you so still,what are you thinking?"  tanong ni Amber sakin na nagpabalik sakin sa realidad mula sa aking mga iniisip.Halatang medyo nakainom narin siya.Nakangiti ito pero walang makikitang masayang emosyon sa kanyang mga mata.

     "Babe tama na yan,marami kanang nainom ohh."   seryoso kong sagot sa kanya.Nandito kami ngayon sa isang bar at umiinom na naman si Amber.Hindi ko alam kung anong problema pero noong papasok pa lamang kami sa 'warm palm traditional hilot' ay dali-daling tumakbo palabas si Amber,sinundan ko sya para tanungin kung anong nangyari ngunit nadatnan  ko nalang syang umiiyak sa tabi ng kotse ko.Hindi ko na inusisa pa at tinanong ko nalang kung anong gusto nya,kaya heto andito kami ngayon sa lugar na ito.

     "Fred its okay. Besides I don't think I took that much alcohol,you know why?"   tanong nya habang parang pinipigilan ang pagtawa.

     "Bakit?" sagot ko.

     "Because you're still unappealing in my eyes."   sabay tawa ng malakas.Pulang-pula na sya,hindi ko alam kung dahil sa mga ininom nyang alak o dahil sa tuloy-tuloy nyang pagtawa.

     Hinayaan ko nalang sya,hindi ko na pinatulan pa ang harap-harapang panlalait nya.Alam ko naman kasing sa simula't sapul pa lang,may nakakabahalang problema na talaga si Amber sa paningin nya.

     Halatang-halata naman kasi ang alindog kong taglay ngunit hindi ko mawari kung bakit hindi nya nakikita yun.Bukas susubukan kong dalhin sya sa espiritista para mapalayas ang anumang masamang elemento na sumasakop sa kanyang mga mata,ngunit kung hindi kaya ng espiritista,sa punerarya nalang talaga.

     "Uy Fred,don't take it seriously okay.I was just kidding."   sabi nya matapos siguro mapansing hindi na ako umimik pa.

     "Babe nakikiramay ako sayo."   tapos binigyan ko sya ng 'naawa-ako-sayo' na tingin.

Loving your Hard WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon