chapter 1.

64 3 1
                                    

"Next please."

"Ate next na daw."

Ano ba yan! Tulala nanaman ako. >.<

"Ay, sorry. Isang large Java Chip Frapp po."

Pero kung sabagay, sino ba naman kasi ang hindi matutulala nalang sa dami ng iniisip.

Tumingin ulit yung cashier sakin at ngumiti. Di mo ba alam kung naaawa ba siya sakin sa ngiti niya. Ganon na ba ako ka-mukhang stressed out?

Siguro nga, kasi stressed out talaga ako. -_-

"Name?"

"Raye po." Binawian ko nalang siya ng ngiti at kinuha ko na yung stub na iniabot niya at naghanap na ng pwestong mauupuan.

Ako nga pala si Arianne Raye Rosales. Magseseventeen na ako this year.

First year college student na ako. Tourism ang course ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung masaya ba talaga ako sa course na kinuha ko. Bata palang ako, Tourism na ang gusto kong kuning kurso. Pero nung fourth year HS na ako, hindi ko na alam. Nagdalawang isip ako. Pero since kelangan ko nang mag decide, na no choice ako at ito na ang kinuha ko. Mahilig naman akong magtravel at mahilig din ako sa mga foreign languages.

Pero hindi yun ang reason kung bakit stressed na stressed ako.

"Raye!"

"Ay leche flan." Nagulat ako dun ah. Napalalim ata ang pagiisip ko. -_-

Tumayo ako at kinuha yung frapp at bumalik muli sa inuupuan ko.

May boyfriend kasi ako, si Jase. Ilang buwan pa lang kaming nagsasama pero parang ang tagal tagal na.

2 years na pero kaming magkakilala pero sa loob ng 2 years na yun eh hindi kami yung ganon kaclose. Taga ibang school kasi siya nun.

Pero crush ko na siya nung pangalawang taon na magkakilala kami. Haha!

Ang pogi pogi kasi niya. Ang cute niyang ngumiti. Nakakatunaw pa yung tingin niya. Talented pa. :">

Pero dumating yung isang araw na naging close kami. Kapag naging kaclose ka pala niya, 'di mo maiiwasang ka-in love-an siya. Eh paano naman kasi. Ang bait bait niya. Gentleman tapos napakasweet niya talaga. Sinong 'di mahuhulog dun? :3

May reputasyon siya bilang isang babaero. Pero pag seryoso siya, makikita mo naman eh. Mararamdaman mo dahil talaga ipaparamdam niya. Ma-effort yun.

Pero ngayon iba na. Naging... cold. Ewan ko ba, August palang naman pero parang advance ata masyado ang panahon ng puso naming dalawa. Naging tag-lamig na. :(

Dati, sobrang sweet. Punong puno ng banats. Oo, corny pero sweet yun noh! Tapos buong araw kaming nagkakatextan. Nagpupuyatan pa nga eh. At pag bago naman matulog, may mahahabang goodnight messages kami sa isa't isa. Ramdam mo yung love sa amin nun.

Pero these past few days, nagbago eh.

Ngayon, wala na. Wala nang time sa banatan. Yung dating buong araw eh hapon hanggang gabi nalang. Hindi na nga rin kami nagpupuyatan tulad dati eh. Yung mga mahahabang goodnight messages naman, kung hindi umikli eh wala na talaga. Hindi naman sa wala na yung love. Pero, parang, nawalan na ng gana eh.

Naging busy siya. Nawalan na ng oras sa'kin. Kasabay ng pagkawala niya ng oras sakin ay yung pagkawala rin ng pasensiya at pagiintindi ko.

Hindi ko alam kung kanino ba dapat yung sisi eh. Pero gusto ko pa sanang masave 'to. I just hope that there's still a way.

Naaalala ko pa yung unang araw na yun...

One in InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon