chapter 2: Flashback.

35 3 6
                                    

*FLASHBACK*

"Ariaaaanne! Bilisan mong maglakaaaad! Magsisimula na yung gaaame!" Sumisigaw nanaman si Allie. Nakuuu, hirap naman kasi maglakad. May pagkalampa ako ngayong araw. Binibilang pa man din nila kung ilang beses akong natatapilok o nadudulas. -____-

"Raye nalang kasi. Anong mga school ba ang naglalaro?" tanong ko. Eh paano naman kasi apurado 'tong kaibigan ko.

Annalliese Alvarez pala. Allie pero ang gusto niyang itawag sa kaniya. Ganda kaya ng bestfriend kong yan! Wag mo lang inisin, katakot kaya siya noh.

"Ano ka ba! Palmwood vs. Holy Trinity na noh. Baka magalit pa sa akin si Mick pag 'di ko siya pinanood."

Ay oo nga, yung boyfriend niya pala. Hindi pala kasi sila same school, Southville High kasi kami tapos si Mick sa Palmwood. Pero in fairness ang tibay nila ha.

Nakarating narin kami sa wakas sa basketball court ng Palmwood. Nandoon kami kasi sports fest ng lahat ng private schools sa city namin.

Nagsimula na nga ang game. Nakatayo lang ako dun habang si Allie nanonood at nagchicheer.

Di kasi ako mahilig sa basketball eh. Wala akong alam diyan. Mehehe.

Amboring tuloy. Kaya pinilit ko nalang manood.

May nakita akong isang player na Castillo ang nakalagay sa jersey. Naglalaro pala si Jase, yung matagal ko ng kakilala at nagiging crush ko rin paminsan minsan. ^_^ Kabilang school ulit siya eh, sa Holy Trinity. Haaay, Jase Castillo, bakit ba ang pogi mo?

Sinusundan ko lang siya ng tingin ng bigla siyang napatingin sa'kin kahit naglalaro siya, kasabay naman nun yung pag kalabit sa'kin ni Allie.

"Huy, tulala ka diyan. Sino bang tinutunaw mo ngayon?" sabi niya, habang nakangiti ng nakakaloko.

Tong kaibigan kong 'to talaga!

"Wala, baliw. Panoorin mo nalang si Mick! At manonood din ako." sabi ko, sabay balik ng tingin ko kay Jase.

"Ahhh alam ko na. Congrats at mukhang siya ang unang alert na nakita mo ngayon. Maghahapon na kasi at wala ka pang nakikita. Buti pa ako!" tapos tumawa siya at nagflip ng hair niya. Juskooo, haba lang ng hair nito. Haha!

Natapos na ang game, panalo ang Holy Trinity, sila Jase. Yayy! Pero hindi ko na ulit siya nakita sa campus ng Palmwood pagkatapos nun.

Tapos na ang lahat ng games sa araw na yun kaya uwi uwi na rin kami ng mga kaklase ko.

Sabay sabay kaming naglakad nila Reese, Stella, Dale at Lawrence papunta sa pagsakayan namin sa bayan.

Medyo matagal yung paglalakad kaya itong si Reese, nagsimulang kumanta. Silang duo kaya kami. HEHE. Nakailang kanta rin kami at ang ingay ingay namin. Listen, Ganon lang kami hanggang sa makarating na kami sa bayan at naghihintay na para makatawid.

Paglingon ko, parang gusto ko nang magmelt sa hiya dun sa kinatatayuan ko.

SI JASE. NANDUN. NASA LIKOD PALA NAMIN SILA NA NAGLAKAD DIN. Grabeng kahihiyan yun eh. -___-

Napatingin siya, kaya ngumiti ako. Kunwari walang kahihiyang ginawa. Ngumiti din siya. Aba, humarap na ulit ako ah at baka tumili pa ako dun sa kapogian niya. -.-"

Naglakad na kami papunta sa paradahan at umuwi na.

Pagkauwi ko naman eh nag gm ako. Since kakilala ko naman si Jase, napapadaanan ko siya ng mga gm ko. Pero bihira kaming nagtetextan. Kaya gulat ako nung nakita kong nagreply siya.

Dun na kami naging close. :) Ang bait niyaaaa.

Sinabi pa niya na manood daw ako ng game nila kinabukasan.

Kinabukasan naman...

Odi... Nanood ako! Haha! Syempre ako pa! :3 Cute pa nga nung bracelet niya eh. (Pero syempre, cute yung may ari kaya natural lang yun!) Sinubukan kong arborin, pero hindi namin alam kung paano niya ibibigay since hindi naman kami close sa personal.

Nakaupo ako sa may field dun sa school at nakita kong papalapit sa akin si Jase.

Pero biglang tumabi sa akin si Stella, kaibigan ko. SAYYYANG.

Kaya kahit sa kinalawak ng field, umupo nalang siya mga 7 meters away away from me. Yung ako nakaharap sa north tapos siya nakaharap sa south. Kasama niya si Vin, yung kaklase niya. At maya maya tumabi yung mga kaklase pa niyang iba. Naglaro lang sila dun, balik pagkabata. HEHE.

Samantalang kami ni Stella naman eh nagkwentuhan lang. -____-

Pero as usual may pasulyap-sulyap effect din kay Jase paminsan minsan.

May time pa nga na nahuli ko siyang nakatingin pala eh. Syempre kinilig din naman aketch. :3 Pero dahil hanggang nakawan nalang ng tingin, akala ko, wala na. Di ko na maaarbor. Pero nung pauwi na sana kami ng isa kong kaibigan na si Reese, may tumawag sa akin.

"Arianne!" Tumigil at napalingon tuloy ako. Si Jase, mabilis na lumalakad papunta sa akin at inabot yung bracelet. "Alagaan mo yan ha?" sabi niya, habang nakangiti.

"Ay, thank you. Syempre naman." Ngumiti na rin ako at lumakad na palayo. Di ko matago ang ngiti ko nun. Nagsisi tuloy ako. Ba't ko tinalikuran?! Nagpacute pa sana ako. HAHAHA. Joke lang.

Nung gabing yun, nagkatextan nanaman kami. Halatang teenagers noh? Patext-text lang. Pero from then, lagi na kaming nagkakatextan.

Dun kami nagsimula. Bawat araw, palalim ng palalim. Nahulog ako...

Pero hindi kami hanggang text lang ha.

Naaalala ko din, nung mga panahong nagsasama kami, yung first time eh super sweet....

One in InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon