chapter 2. (part 2)

34 3 6
                                    

Hinanap ko ang phone ko para tignan kung may mga messages na importante.

Pero sa paghahanap ko sa aking malaaaking bag, iba ang nakita ko.

Yung letter ni Jase. Hindi pa kami nun nung nagpalitan kami ng letters. MU stage. Uso eh. :D

Binuksan ko ang letter na bigay niya. Tinitigan ko ito. Nagdalawang isip pa akong basahin ito pero nagdecide nalang ako na basahin ko na.

" Arianne Raye Rosales,

      Hi there! Alam mo bang habang sinusulat ko 'to eh natatakot ako kasi baka tinatawanan mo yung sulat ko. -_- Pagpasensyahan mo nalang ha? Ang pagmamahal ko sa'yo ay parang pag hinga ko, ba't ko pipigilan kung ikamamatay ko naman? Kaya nga baboy ang pagmamahal ko sa'yo eh. Di ko ma-PIG-ilan. :) Corny ko noh? Ganito pala pag mahal mo na talaga ang isang tao. Sa bawat ginagawa mo, sa bawat oras, minuto, segundo, IKAW ang iniisip ko. Kaya bigyan mo lang ako ng chance para mahalin ka at ipaparamdam ko sa'yo kung gaano ako kasarap magseryoso. Mahal kita. <3>

Pinasok ko na ulit ang letter sa envelope nito at nilagay ko ulit sa bag ko. Parang kahapon lang nung ibinigay niya ito. Ngayon ibang iba na.

Hinanap ko ulit ang phone ko, at nakita kong may isang nagtext. Mga promo lang pala. >.< Dinelete ko na. Pagtingin ko ulit, nakita ko ang mga goodnight messages ni Jase sakin. Ang saklap tignan kahit sulyap lang. Ni-lock ko nalang ang phone ko at ibinalik ko ito sa bag.

Naaalala ko nanaman tuloy siyaaa. Oo na, puro siya na. Pagbigyan niyo na ako.

*FLASHBACK*

Jase: (sa text) Okay ka lang? Parang wala ka atang gana. :/ Nasan ka ba?

Ako: Oo, okay lang ako. Dito sa labas ng bahay. Papahangin.

Jase: Bumabalik nanaman ba depression mo? I-wala mo na yan, please? Smile ka na. :)

Ako: Hindi. Okay lang ako.

Jase: Nianne, alam kong hindi. Wag ka gagawa ng kung ano-ano ha? Wait lang, may gagawin lang.

Ako: Sige sige.

Ano nanaman kayang gagawin nun. -__- Dibale na. Magtetext din naman yun mamaya.

Tumingala nalang ako at tinitigan yung mga stars. Hanggandaaaa eh. Kapag nadedepress ako, lumalabas nalang ako at tumitingin sa stars. Nakakarelax, nakaka-kalma.

Kaya, oo. Depressed ako ngayon. Sinabi ko nalang kay Jase na hindi para hindi na siya maabala.

Ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin siya nagtetext. Bakit ang tagal niya. :/

Yun pala, hindi na talaga siya nagtext.

Maya-maya, naramdaman kong may tumabi sakin. AY jusko, sakit sa puso nun ah. Kagulat.

Unti-unti akong tumingin.

Si Jase pala.

"JASE! Bakit. Paano. Anong. Anong ginagawa mo dito?" nauutal ko pang sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko, tapos yung isang kamay niya, hinawakan yung gilid ng lips ko.

"Nianne ko. Hangga't nandito ako, hindi ko hahayaang malungkot ka o mag-isip ka ng mga bagay na magiging rason para malungkot ka." Ngumiti siya at inakbayan ako, nilagay niya yung head ko sa shoulder niya.

"Eh nag abala ka pang pumunta dito tsaka gabi na oh. Napapasaya mo naman ako kapag katext kita eh."

"Mas maganda sa personal, mas dama. Tsaka mas maganda pag nakikita kong ngumingiti ka."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One in InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon