Nakakairita. Hindi ko namalayang ubos na pala ang aking underwear at ang tanging natitira ay ang pinaka ayaw kong suotin. Ang kulay pula.
May iba sa isang ito. Hindi siya simpleng underwear. May nagtutulak sa akin na wag itong isuot. Nakapagtataka. Ngunit siguro ngayon mismo ay wala na akong magagawa dahil wala na akong maisusuot kundi ito.
Naligo at nagbihis. Isinuot ko na ang aking underwear. Pakiramdam ko ang init. Ang init ng paligid. May nagbabadyang pupunta ako sa kaapuyan sa sobrang init. Tila isinasama ako ng isang lalaki papunta sa mundong ilalim. Napakainit.
Ngunit paano eh wala na akong ibang kelangang isuot kundi itong underwear. Pakiramdam ko ay napakasama ng isang ito. Saan ba to galing ng mall? Sana di nalang binenta kung may masamang pinagmulan diba?
Nakakasuklam. Di ko na lamang papansinin.
Paglabas ko ng bahay, nakakagulat! Puro usok ang aking nakikita at akoy napapaubo!
May lumapit na lalaki sa akin at pilit akong itinatakas sa aking kinatatayuan.
Anong nangyayari?!
Miss. Sumama ka sakin.
Ayokoo.
Miss. Kung ayaw mong masaktan, sumama ka sakin.
Isang sumpa ang underwear na ito.
Isinuot ko lamang,
Nasunog na ang bahay ni Manong Idang.
Miss. Sabing sumama ka sakin. Sayang ang suot mo kung madadamay ka sa sunog dito.
Ahh. Yun naman pala.
BINABASA MO ANG
Pula
Mistério / SuspenseMatutunghayan natin ang iba't ibang pagkakaugnay ng pula sa mga bagay sa paligid.