C10 - Jealousy?

6 0 0
                                    

A/n: Wala lang. Bagot ako ngayon kaya ayan ang kinalabasan ng chapter na 'to. I-ka-klaro ko lang... bagot akong kakatingin sa mga notes ko. Kaya napatype ako kahit na marami pang dapat gawin. Pero yung totoo labs ko kasi kayo kaya ganyan.

Medyo iibahin ko muna ang style ng pagsusulat ko...

-----

Nasa Garden ngayon sina Echo at Lectra para mag-tanim ng mga gulay. Hindi sa ginusto nila ito at wala lang silang magawa, kundi dahil sa proyekto kasi nila ito.

Kinuha ni Echo ang kalaykay at inalis ang mga damo na nakaharang sa pagtataniman nilang lupa.
"Wooo~" sabay punas nito sa pawis niyang nasa leeg at nu-uhan. "Lectra, pwede bang alisin yung mga pinaglalagay mo sa account ko?" binalik na nito ang panyong ginamit niya at na-nga-lay-kay ulit.

Hinihila naman ni Lectra ang ibang damong hindi nakakain ng kalaykay. "Oo naman...pero..." saglit itong napahinto sa pag-sasalita dahil sa hirap na itong tanggalin ang ibang damo. "Arggghhhh...." hindi nakuha sa paghila ni Lectra ang damo kaya binungkal niya na lang ito. Nang matagal ay pinag-patuloy niya ang pagsasalita.

"pero... mas maganda kung ako na lang mismo ang magpapalit" Tinabi na nito ang mga nakuhang damo at nagpahinga sandali.

Si Echo naman ay itinabi rin ang kalaykay na hawak, kumuha ng tubig sa kanyang bag back at iniabot ang isa kay Lectra. "O eto!" sabay tabi nito sa kinauupuan ni Lectra. "Nga pala Lectra, di ba may klase ka pa ngayon?"

Kumunot bigla ang noo ni Lectra sa sinabi ni Echo. Ang alam kasi nito ay wala siyang klase at mamaya pang ala-una ang susunod niyang klase "Teka. Ano ba 'yang pinagsasabi mo ee.. mamaya pa ang pasok ko."

Humagikgik naman si Echo "Lectra, di ba nag-absent ka ng ilang araw? Ngayon, ikaw na mismo ang nag-sabi sakin na tinanggap ng iba nating Prof. ang dahilan mo, PERO kailangan mag-attend ka sa iba nilang klase tutal naman marami rin kayong nag-absent at para na rin makahabol kayo sa lessons na na-mis niyo. "

Hinawakan sandali ni Lectra ang noo niya at agad na tumayo sa kinauupuan nito. "Oo nga ! bakit ngayon ko lang naalala?" sabay baba nito sa kamay niyang nasa noo kanina.

Hindi namalayan ni Lectra na nagkaroon ng dumi ang noo niya dahil sa mga binunot niyang damo.

"O sige na, lumayas ka na at mag-linis. Ako ng bahala rito." -Echo

"Talaga Echo? Ihh kaya labs kita ee!" kinuha agad ni Lectra ang bag niya "Sige aa babawi na lang ako sa susunod. Bye! Salamat nga pala sa tubig!"

Agad na umalis si Lectra sa garden at dumiretso na sa palikuran para mag-linis ng kamay at mukha.

Si Echo naman ang naiwan at pinag-patuloy na ang ginagawa niya kanina.

Nang sa tingin ni Echo ay ayos na ang mga ginawa niya ay niligpit na niya ang ibang gamit at nag-linis na rin.

Meron pa siyang one hour and thirty-minutes bago ang susunod niyang subject kaya napagpasyahan niyang pumunta muna sa library para mag-hanap ng pwede nilang tugtugan. Ayaw din kasi niyang maunahan ni Techno kaya kahit na hindi siya ganun kagaling magmanipula ng kompyuter ay pipilitin niya pa rin ang sarili.

Banda niya ang nakasalalay dito at hindi lang basta-basta kendi na pwede mong palitan. Malapit na siya sa One-Half at ganun din naman ang mga ito sa kanya (sa tingin niya) kaya gagawin niya ang lahat!

-----

Nasa loob ngayon ng library si Echo at seryosong nakatingin sa monitor ng kompyuter.

Napakamot sa ulo sa Echo dahil hindi siya sanay sa paggamit ng kompyuter.

"Naman...ganto ba ka-kumplikado ang paggamit ng computer?" nakakunot ang noo ni Echo habang nag-ki-click ng mga kung anu-ano sa kompyuter.

Nang biglang sumagi sa isip niya, na 'bakit 'di kaya ako mag-tanong sa librarian?' Tumayo agadsiya sa kinauupuan niya at papunta na sa librarian ng makita niya si Techno.

Napa-nganga si Echo ng dalawang segundo at nag-tangkang hindi na papansinin pa si Techno pero huli na siya dahil nilapitan na siyani Techno.

"Hey, Echo... may sasabihin nga pala ako sayo tungkol sa lugar -" nabitin na sabi ni Techno kay Echo.

"'di ba sabi ko, AKO na ang mag-hahanap" biglang napatingin si Echo sa mga mata ni Techno.

Nahalata ni Echo na mukhang kulang sa tulog si Techno. Dahil kaya ito sa paghahanap ng tutugtugan nila? HIndi..hindi... at kung ganun nga ang ginawa nito ay wala siyang paki-alam. Malinaw naman ang sinabi niyang siya ang mahahanap kaya hindi na siya dapat pa mag-alala rito.

Napa-ngiti si Tecno "Ano ka ba Echo~ ayos lang naman na tulungan na kita. Tsaka may nahanap na ako-" bitin na sabi ni Techno

"Ha.Ha. thank you sa effort" mayabang na sabi ni Echo "Pero ako na ang gagawa at maghahanap..."
Napatingin sa may di kalayuan si Echo at nakita niya si Cielo. Napangiti siya.

--
Nag-taka naman si Techno sa inasal ni Echo kaya napalingon siya sa tinitgnan nito. Magsasalita pa sana siya ngunit saktong paglingon niya ulit kay Echo ay papaalis na ito papunta sa lalaking nginitian niya.

Hindi niya alam pero nainis siya sa inasal ni Echo sa lalaki. "tss...'yan pala ang mga type mo..tsk" mahinang sabi nito sa hangin na may bakas ng pagkainis sa boses. Hindi na niya pa pinigilan pa si Echo.

Nag-salpak na lang siya ng earphone sa tainga niya at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito tsaka lumabas ng library.

-----

End of chapter

Vote Comment Add Share :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CyberiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon