C3 - School, Band and Techno

12 2 0
                                    

Please bear with me..matatapos na rin ang part na 'to :)

Part3 "School, Band and Techno"

----

Pumunta na agad ako sa kwarto kung nasaan ang mga ka-banda ko.

At nung nakarating ako ay medyo nainis ako sa nakita ko.

They're not practicing instead naglalaro sila ng baraha.

Echo: *sigh*

Ano pa nga ba ang bago? Lagi naman silang ganyan kahit na ako ang leader.

Ako nga ang leader pero ramdam ko ang haba ng distansya nila sakin...

Binaba ko muna ang bag pack ko sa isang sulok.

Echo: Sup!

Tumingin sakin si Gin, itinaas ang kaliwang kamay niyang may hawak pa ring baraha pero nag-balik tingin agad sa mga baraha.

Si Gin ang lead singer ng banda namin at ang katabi niyang babae ay si Alex, ang naka-toka sa keyboard.

Tinignan lang ako ni Alex at ngumiti sabay bigay sakin ng Shut-up look.

Ano pa ngaba ang bago? Teka! Di ba sinabi ko na yun kanina!? Di bale na ganun naman talaga ang nangyayari samin.

Napatingin ako sa seryosong si Uno. Naka-upo siya opposite to Gin.

Walang nagbago seryoso pa rin siya.

Napa-buntong hininga na lang ako.

Concentrated talaga siya sa mga baraha niya.

Naglakbay ang mga mata ko sa buong kwarto para hanapin ang huling miyembro ng banda. Tama naman ang hinala ko at nakita ko siya sa isang sulok na naka-upo pero natutulog.

Si Shin, ang lead guitarist ng banda, siya ang pinaka-misteryoso sa amin.

Bakit kan'yo ? Syempre lagi siyang tulog...

Wala akong magagawa kundi bigyan muna sila ng oras para matapos. After that rehearsal na!

Umupo ako sa isang sulok at binuksan ang case ng guitara ko.

Bass guitar, 'yan ang tinutugtog ko at marunong din akong tumugtog ng acoustic guitar pati normal na guitara.

Kinalabit ko muna ang mga strings nito at tinono.

Lumipas ang ilang minuto at nilapitan ko na ang mga ka-miyembro ko para kumbinsihin silang mag-practice.

Bakit ko ba sila kinukumbinsi ? Aa bahala na.

Kinausap ko sila pero hindi nila ako pinansin.

Kaya bumalik na lang ulit ako sa kinauupuan ko. Ilang minuto pa siguro at papayag na sila. Ang gagawin ko lang ay maghintay.

Maya-maya pa'y pumasok ng kwarto si Big G na may kasamang lalake.

Big G: Sup! May ipapakilala ako sa inyo ngayon. Siya si Techno ang tutulong sa lighting at sound system niyo!

Gin: *nagbabaraha pa rin* Yeah... I know him

Alex: *nakatingin kay Techno* Ako rin... *kindat*

Echo: *tunganga*

Uno: (-_-) *no reaction*

Shin: (Z_Z) zzzz *mas lalong no reaction*

Huh? Kilala nila siya? Parang feeling ko napagiiwanan ako.

Big G: Techno, yung nagbabaraha katabi ni Alex... Aa! Si Alex nga pala yung nagbabarahang babae. Tapos yung katabi niya ay si Gin at yung seryosong isa na yun, siya si Uno. Si Shin yung natutulog sa sulok at syempre si Echo, ang leader ng banda.

Techno: Okay... Nice meeting you Echo *smile*

Germs...isa siyang taong germs dahil sa aurang nilalabas niya ngayon. Nakakadiri lang talaga pero may kakaiba sa ngiti niya...

Echo: Yeah... welcome to our band...bahala ka na sa mga sound system at lighting... At kami na ang bahalang tumugtog...A-ano sige!

Ano ba? Naguguluhan ang mga letra sa utak ko. Sh*t! I hate that mischievous smile...

Tumayo na ko sa kinauupuan ko tsaka tinawag na sila Gin, Alex, Uno at Shin para mag-practice.

Pero wala! Hangin na naman ako.

Gin: Techno! Tara! Laro tayo! Bukas ka na lang mag-ayos ng sound system.

Alex: I agree

Uno: *tango*

Techno: Sige ba!

Echo: Sandali lang! Ehem... Mag-pa-practice tayo ngayon at hindi maglalaro ng baraha. I already gave you the time to play with your cards, and it's already time to practice.

Gin: Chill~

Alex: *nakatingin sa baraha* Yah~ ayaw mong mag-relax kahit minsan?

Techno: Oo nga naman Echo, ba't di ka muna makipaglaro ng baraha.

Uno: Yeah..

ANO!? Pahinga!?

Echo: Ano ba kayo! Banda tayo! Ang banda tumutugtog hindi naglalaro ng walang kwentang baraha!

Techno: Hey-

Echo: Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko Techno. Bago ka lang dito pero kung maka-asta ka akala mo kasama ka na namin ng matagal. Please YOU-

Alex: Echo, just shut up!

Ano!? Ako ang leader dito bakit hindi nila ako sinusunod!?

Uno: D'Hell Echo! Naglalaro lang kami...

Echo: What!-

Techno: Teka lang Echo, maiba lang. Kailan ang huling Gig niyo?

Gig? Sa totoo lang hindi pa kami tumutugtog dahil wala pang nag-iimbeta samin. Lagi ko lang kasing iniisip na nakatugtog na kami harap ng mga tao. Feelingera? Siguro nga ganun ako...

Echo: *deep sigh* I'm going home...

Kinuha ko na ang bag pack at ipinasok ang guitara ko sa case nito.

Tinignan ko rin ng ilang segundo si Techno at umalis na.

Ang huling narinig ko sa kanila bago pa ako tuluyang maka-labas ng kwarto ay si Gin.

Gin: Isa pang Round?!

Sh*t! I hate that guy.

----

End of chapter

Big G / G - Sa naunang chapter G lang ang nasa dialogue. Ginawa kong Big G kasi napaisip akong nag-uumpisa rin sa G ang pangalan ni Gin at Baja mapag-kamalang si G ay si Gin. Ahahah

Yeheeeeyyyy! Yan tapos na talaga ang by part na yan bwahahah!

Sige! Mag-va-vanish na ko. Salamat sa Reads! :)

Computer is shutting off... Tch

Like Comment Share Suggestions

CyberiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon