Wedding

219 7 1
                                        

First Look




Sabi nila masama raw na makita ang mapapangasawa mo na suot mo ang gown. Baka raw hindi matuloy ang pangarap mo na maikasal.


Kaya, nag desisyon na lang na sa mga tropa na lang at pamilya mag first look. Baka kasi maiyak pa si Uno kapag nakita niya ako. 


Ilang oras na lang magiging isang Kurokawa na ako. Tinatapos na lang ang shoot ngayon. Kaliwa’t kanan ang camera masyadong pinaghandaan ni Uno ang kasal na ‘to.


I stared at the mirror habang inaayusan ako. I couldn’t help but to cry. “Sorry po. Nagsi sink in lang po talaga na ikakasal na ako.” I said.


Natawa lang si Ate Jane, my make up artist. “Okay lang yan. Normal yan, ganyan din ako nung kinasal.” She answered. “Iba talaga pag ang pakakasalan mo yung mahal mo talaga.”


“I've loved that man ever since i met him again nung high school. That rivalry between the two of us really made something.” Sambit ko habang pinupunasan ang luha ko. “And, i can’t imagine myself na ikakasal sa ibang lalaki. Sa kanya lang po talaga.”


She smiled. “I still remember na ako ang nag make up nung debut mo. I saw how he stared at you while you were walking down the aisle wearing that yellow dress na inspired sa beauty and the beast.”


“Unang tingin ko pa lang, wala ‘to. Ikakasal ‘to sooner or later.” Pagkekwento niya. “Tama ako. Here you are inaayusan ko sa wedding niyo.”


Mas lalo lang akong naging emosyonal sa narinig ko. Sakto naman na nag message si Uno.


Uno, my love

Uno, my love
baby, i can’t wait
to marry you

gusto na kita 
makita

ang tagal naman
nitong oras

silly

okay na ba vows
mo?

gusto mo pagandahan
tayo?

let’s rate our vows
1-10

Uno, my love
i’m sure mas maganda
akin

100%

sayo, okay na?

still preparing it

i’m getting
emotional here

yung makeup
artist ko, siya
pala yung nag ayos
sa ‘kin nung debut ko

Uno, my love
yes, picked her para 
comfy ka

i love you so much

i love you, my love

i’ll see you later : )


Nagtuloy na kami sa pag aayos and shoot the other things na need for the same edit video. And now, i am wearing my gown. Off shoulder gown with beads and glitters on it. He really made my dream wedding come true. 


“Magf-first look tayo with the family, bridesmaid, and after naman yung groomsmen.” Sambit ng isa sa mga photographers.


I simply nodded and fixed myself. The bouquet is composed of white and pink roses. “Papasok na ang family mo.” 


Paper Rings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon