Problema niya? [ONE SHOT]

37 3 0
                                    

1st shot ko ata ito 'eh. So yeah!

*****

"Ang gwapo talaga ni Fade! Hindi siya naglalaho sa paningin ko! Waaah."

"Fade is mineee!"

Marami siyang fangirls. Isa na ako dun. Kasama ako sa barkada ni Fade Angelo Cruz. Isang heartthrob sa school namin. Sobrang gwapo niya nga 'eh.

Alam niyo ba na tuwing kakausapin ko siya, ay umiiwas siya ng tingin at nagsasabi ng 'nakakainis' sa 'kin? Ang sakit di ba! Kaibigan niya ako tapos ganun lang?

"Fade pare! MVP ka na naman this year! Ano? Aamin ka na ba?" Tanong ng kaibigan namin na si Yester. Aamin? Aamin siya kanino?

"Ah guys. A-alis lang ako 'ah. Bibili ako ng m-maiinom natin. L-libre ko." Sabi ko at tumayo. "Ano sa iyo Caster?" Tanong ko.

"Yung pepsi na lang! Ikaw, babes?" Tanong ni Caster kay Liane. "I'll go with orange juice. You, Yester?" Tanong ni Liane sa Kuya niya. Nag-isip pa si Yester bago sumagot.

"I'll go with a rootbeer. De loko lang. Royal na lang. Okay? Ikaw Fade?" Tanong ni Yester kay Fade. Umiwas ako ng tingin kay Fade. Ayoko muna siyang makausap.

"Tubig na lang. Ayoko muna uminom ng may lasa. Nakakataba." Parang dati ay lagi siyang umiinom ng mga juice at coke. Pareho na pala kami. Ayaw tumaba kaso ako ayoko talaga, simula pa lang. Lalo na't yun ang type ko sa mga lalaki.

"O-oh sige. B-bibili na a-ako sa canteen." Tumakbo ako sa canteen. Mas mabilis pa kay flash. Joke lang.

Bumili na ako sa canteen ng mga inumin namin. Babalik na sana ako ng may nakabangga ako.

"I'M SORRY MISS! HINAHANAP KO KASI SI HANA WATTS!" Nilingon ko siya. Pinupulot niya yung mga inumin na binili ko. Oh my god.

"O-M-G! JAAAAACE!" Niyakap ko si Jace ng mahigpit. "Hana!" At niyakap niya rin ako ng mahigpit. Bumitaw kami at tumayo. Hindi ko aakalain na umuwi na si Jace! Cousin ko si Jace. Jace W. Tych kasi ang pangalan niya. Kaya yun.

Ako nga pala si Hana Watts. 4th year na ako in highschool. 4 years ko na ata gusto si Fade. Yes, I like that guy. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang masungit sa akin. Saka sino yung pag-aaminan ni Fade ng feelings niya? Nakaka-frustrate!

Kinuha ko yung plastic na naglalaman ng inumin namin nila Liane. Nagkwento naman si Jace tungkol sa LQ ng girlfriend niya at nung nagbakasyon siya sa Britain.

Bumalik na ako, este kami pala sa barkada ko. "Talaga lang, Jace 'ah? S-seryoso ka? Hahaha! Hahaha! Ginawa n-niya yun?" Tawa ko. Kasi yung girlfriend ni Jace na si Maggie ay nag-prank sa kanya. Habang natutulog daw kasi si Jace ay nag-drawing daw si Maggie sa mukha niya tapos naglagay ng mga bulak sa ilong. Siguro magiging ka-close ko si Maggie. Haha.

"Uuuuuu-uy Hana. Sino yang kasama mo?" Tanong ni Caster. I smiled at tumingin kay Jace. Sabay tingin ulit sa barkada.

"Ah si Jace nga pala." Sabi ko at ngumiti ng todo. Nakakamiss kasi itong loko na 'to lalo na kung 5 years na kaming hindi nagkikita. Siya kasi ang ka-close ko sa buong clan 'eh.

"Ay oo nga pala. Ito ang pepsi mo, Caster. Ito naman ang orange juice mo, Liane. Royal kay Yester at tubig para kay Fade." Tinapat ko isa isa yung mga inumin nila habang naka-ngiti.

"Nakakabwisit naman." Sabay tayo ni Fade at umalis na. Kumunot naman ang noo ko.

"Problema niya?" Tanong ko. Nagkibit-balikat naman si Yester. "Nagseselos lang yun. Hayaan mo na." Sabi niya. Napasimangot lang ako ng todo. Hindi naman ako ang gusto ni Fade 'eh. Never na naging ako.

Problema niya? [ONE SHOT] FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon