(The picture above is Kirite. I used ai to make a portrait of him.)
It happened a thousand years ago in universe 3 where the Joseon Dynasty will forever rule and the Korea that the universe 1 will face will never happen there. That was the place where I met this little boy who only wanted to survive in that hell place for him.
That time, lumayas ako sa Afterlife para hanapin ang bagay na napakaimportante sa'kin. I was just a thousand years old at that time and the governor still forbade me to go to the human world. I have nowhere to go, I just walked to travel around that universe.
And one day, a little child bumped into me like running from something might end his suffering. His face was covered by dirt and blood, looking pale for such a young age when he should look energetic and too thin.
"Young lady, tulungan n'yo po ako magtago," his eyes begged me more than those words. Kumikinang ang mata niya sa luha.
Ang malas niya, wala sa isip ko ang tumulong sa mga tao ngayon. I actually want them to die so my business will stay prosperous.
Napatingin ako ng deretsyo sa harapan ko, from a distance, I saw two men with a muscled bodies looking for something.
I ended up helping the child escape after witnessing his tattoo that I am now staring for so long. Nakaupo kami ngayon sa isang bahay panuluyan habang kumakain siya ng mga in-order kong mga pagkain. Pinaliguan ko rin muna siya para matiis ko ang amoy niya.
"Young lady, nagpapasalamat ako na niligtas mo 'ko pero hindi naman tama na pagnasahan mo ang isang batang katulad ko," inosente pero pilyo niyang tanong na nagpakunot sa'kin.
"Huh?" Tumingin ako ng deretsyo sa kaniya. "Ang pagnanasa para sa'kin ay ang pagpatay."
"B-Biro lang naman." Ngumiti siya sabay taas ng kamay. "Napakaganda mo, young lady. Maganda rin ng kalooban mo."
Napahinga ako ng malalim pagkatapos marinig ang pang-uuto niya. "Gusto ko sanang malaman ngayon kung bakit ka mag-isa, madumi, at may dragon na tattoo sa katawan mo."
"Ito po ba?" Turo niya sa tattoo. "Sabi ng aking ina, pinanganak na 'kong may ganito sa katawan dahil namana ko 'to sa aking ama."
Sabi ko na, galing siya sa clan na 'yun. Kailangan ko sila ngayon para tulungan akong puksain ang mga demons. "Nasaan ang iyong ama? Ang pamilya ng iyong ama? Nasaan sila?"
"Sabi ni Ina... namatay daw ang pamilya ni ama dahil sa isang sakit at ganoon din si Ama. Lahat daw ng may dragon tattoo sa katawan ng aming pamilya ay mamamatay sa edad na 20. Ibig sabihin, mamatay din ako sa ganoong edad!"
Ano?! Kaya pala wala nang nakikitang members nila, maaga pala silang namamatay sa sakin. Hindi, alam kong hindi ito sa'kin kundi isang sumpa. Marahil ay sinumpa sila ng mga demon dahil hindi nila sila kayang talunin sa isang labanan. Kung ganoon, ang batang nasa harapan ko na lang ang nag-iisa sa lahi nila
"Gusto mo bang mamatay sa edad 20?" tanong ko na nagpailing sa kaniya. "Gusto mo bang mabuhay magpakailanman?"
"Ano pong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong.
"Tatanggalin ko ang sakit na dumadapo sa lahi n'yo at mabubuhay ka ng higit pa sa tinakda sa'yo." I put my hands on his neck where his dragon tattoo is located.
YOU ARE READING
Madame Selene
FantasyMadame Selene is the owner of the afterlife entertainment district which serve as a waiting place for a soul before their judgement. Despite being one the afterlife department heads, she is sealed by the rule says that she is not allow to deal with...
