Chapter 8

3 0 0
                                        

Third Person POV

Habang nagkakasiyahan ang mga kabataan na kasama ni Soren, napansin niyang lumabas nang bahay si Chloe na mag-isa lang. Hinintay pa niyang may sumunod na lumabas pero kahit ilang minuto na ang lumipas, hindi niya nakita si Selene. He wanted to ask Chloe but he felt like already knew the answer.

He used his energy to track Selene's location yet he felt nothing. Alam niyang kahit mag-conceal si Selene ng energy ay mararamdaman niya pa rin ang presensya nito, bagay na una niyang naramdaman when they first met.

Lumapit siya agad kay Ashley who was eating a cake in the corner. "Nawawala si Selene." Bulong niya na nagpakunot ng noo sa dalaga. "Ano?!"

"Hindi siya p'wede mawala sa paningin ko. We should start searching for her. You need to make excuses para makaalis na tayo rito," sunod na sabi ni Soren dahil alam niyang papatayin siya ng head niya pag may nanyaring masama sa binabantayan niya. Isa pa, may kailangan pa siya kay Selene.

"Sige, ako na bahala." Lumapit si Ashley kay Chloe at may binulong dito na nagpatango naman sa dalaga. "Happy birthday, sis! See you on monday na lang!" Bumalik siya kay Soren. "Okay na. Umpisahan natin sa School. For sure, roon lang naman pupunta 'yun since 'yan ang target natin."

Hindi na sila nagsayang oras, agad silang tumakbo papunta sa school na kanilang pinapasukan. Nakarating sila nang tuluyan nang napalitan ng buwan ang araw at halos walang nakabukas na ilaw sa loob ng paaralan.

"It is just me or is the moon really bigger than its normal size tonight? I mean wala namang sinabing full moon ngayon tapos sobrang laki pa niya. Parang malapit ko nang makaharap!" Tinuro ni Ashley ang buwan na tila lumalapit sa lupa. Napatingala rin si Soren.

"Hindi mahalaga ang buwan ngayon. Mas mahalagang hanapin natin si Madame Selene." Napalingap ngayon si Soren sa paligid. "Doon ako maghahanap, doon ka naman sa kabila."

"Magkita na lang tayo rito pag nakita na natin siya." Tumango si Ashley siyaka pareho silang tumakbo sa magkaibang landas. She went to the left side while he ran to the right.

While running, Soren tried to search for Selene's energy and aaminin niyang mas nararamdaman niya 'to ngayon kaysa sa mga panahon malapit lang 'to sa kaniya. Hindi rin niya maitanggi na may kakaiba sa air particles. Nakakaramdam siya ng malakas na energy na nagmumula sa buwan kaya naman tumigil siya sa paglalakad at tumingala.

"It's not just in the bigger size than normal. Mas maliwanag din siya ngayon." He tried to stare at the moonlight which continued striking the whole land. Habang pinagmamasdan niya 'to napansin niya na biglang nag-focus ang liwanag sa isang lugar na pamilyar sa kaniya. "Moon.... Selene..."

Agad siyang tumakbo nang mapagtanto niya ang maaring connection ng buwan at ni Selene. Habang lumalapit sa direction kung saan naka-focus ang liwanag, lalong lumalakas ang energy particles na nagmumula rito hanggang sa narating niya ang dating puno na pinuntahan nila ni Selene at Ashley.

"Wala namang tao rito." Napakamot siya sa ulo habang lumilingap sa paligid. At nang matapat ang mata niya sa katawan ng puno, nakita niya na biglang tumama na parang laser ang liwanag ng buwan dito at tila nagkaroon ng salamin sa harap niya na nabasag.

Sa pagkabasag na 'yun, nanlalaki ang mata niya na nakitang lumabas doon si Selene habang hawak ang leeg ng isang malaking maitim na lalaki siyaka sinandal ng malakas sa lupa. Ngunit iba ang suot nito. Malayo sa ordinaryong mga damit kanina. One long white dress with moon patterns on it. Her black hair looks like painted silver to shine as the moonlight touches it. Mas maliwanag din si Selene kaysa sa mismong buwan ngayon.

Madame SeleneWhere stories live. Discover now