Chapter 3 ( Joker )

651 5 0
                                    

*Sa Main Gate*

pagdating ko sa main gate agad na kong pumara ng taxi. Hindi rin naman nagtagal eh nakasakay na ko.

after ng mga 15 minutes jusko halos nasa kalahati pa lang ata ako ng daan pauwi dahil sa sobrang traffic. Bored na bored na ko kaya kinuha ko na lang yung earphones ko sa left pocket ko tapos kinuha ko yung cell....

0_0 . . . .

.

.

.

isa pa nga. . .

.

.

.

"SHIT"

.

.

.

"Yung cellphone ko nasan??" natatarantang tanong ko sa sarili ko habang naghahanap at kapa sa bulsa ko ng biglang.

.

.

.

*TINGGGGG*

.

.

"Shit nasa kanya siguro?"  tanong ko uli sa sarili ko.

.

.

Oo tama andun sa joker na yun yung phone ko Tss..  Sinong JOKER? edi yung bumangga sakin kanina kaya ako nagkasugat sa mga kamay ko. Bakit kamo JOKER? eh patawa sya eh tsaka muka naman talaga syang JOKER >;]

"May problema po ba?" biglang tanong ni manong driver.

"Ah eh wala po  manong naiwan ko lang po yung phone ko sa school."  sabi ko

"Ah ganun ba? ano? gusto mo bang balikan natin?"  alok nya sakin

"Wag na po manong bibili na lang po ako ng bago tutal medjo luma na din naman po yun" pagtanggi ko sa alok nya

"Osya sige iho! Oo nga pala andito na tayo sa subdivision nyo saan ka ba banda dito?"  tanong nya sakin

"#17 Blue street po manong" sagot ko sakanya

Matapos ang ilang liko nimanong eh tumigil sya mismo sa tapat ng bahay ko tumingin ako sa metro at nagbayad. Pagbabako at saktong pagbukas ng pintuan eh sumalubong na sakin yung mga anak ko ( relax hindi sila mga totoong bata mga aso sila :)) si Harry at si Ron. Ang mga super cute kong mga anak.

"Hello Babies kamusta kayo? did you both miss me?" masayang bati ko sakanila

"Buti pa yang mga anak anakan mo una mong napapansin at binabati pagdating mo!" Magtatampong sabi sakin ng isang medyo may katandaang babae sa harapan ko at sa tabi naman nya eh isang damukal na mga maleta.

"Oh Ma!!! kailan ka pa dumating?"  gulat na tanong ko sakanya sabay yakap.

"kanina lng mga after lunch" sagot nya

"bakit hindi nyo man lang sinabi sakin na uuwi na kayo" tanong ko

"Well gusto sana kitang isurprise pero pagdating ko dito eh wala ka kaya tinawagan na kita pero hindi ka naman sumasagot sa mga tawag ko" sagot nya

"Ah ganun po ba ma?" sabay kamot sa ulo

"Nawala po kasi kanina yung phone ko sa school eh" sagot ko. Pero bago pa nya ko pagalitan eh iniba ko na agad yung topic namin :)

"How was your business trip sa europe ma?" tanong ko sa kanya

"Well ok naman na close ko na yung deal with the european investors" tuwang sabi nya sakin

"That's great ma" tuwang sabi ko. Tapos inakbayan ko sya at pumunta na kami sa sala, umupo kami at nagkwentihan sa mga bagay bagay at mga pangyayari sa amin habang nasa abroad sya.  Ganon talaga kami ka-close ni mama well simula kasi nung sumakabilang buhay ang papa ko eh I took his place ako na ang tumayong padre de pamilya ako na din ang nag-aalaga sa mama ko at minsan nagaasikaso din ng business namin. Wala kong masasabi bout my mom kasi lahat ng gusto ko eh binibigay nya kaya inreturn ganun din ako sakanya.

"saan ka nga pala galing kanina?" tanong sakin ni mama

"Sa school po ma nag enroll po ako" sagot ko

"Oh kamusta naman ang pag-eenroll mo?" tanong nya uli sakin

"Ok naman po ma natapos ko din naman po" sagot ko

"Buti naman eh ang tuition mo kailan ka magbabayad?" usisa nya

"ma naman parang bago kayo ng bago ganun pa din po sa pasukan pa po" sagot ko

"Ok thats good. Well idedeposit ko na lang sa account mo lahat ng pera na kakailanganin mo ha" sabi nya sakin.

"Wait idedeposit? so that means aalis nanaman po kayo?" tanong ko sakanya. Ganon kasi si mama kapag nagbabalak umalis. Sa account ko na lang nya ilalagay yung perang kailangan ko hindi lang sa school kundi pati na din sa bahay.

"Yup next week Monday to be exact eh pupunta ko ng Hong-kong to give myself a reward for closing that deal with the europian investors and also to relax" sagot nya

"Ahhhhhhh -____-" sagot ko

"Baka gusto mong sumama?" aya nya sakin

"Hindi na po ma first day na din po kasi ng class namin yun eh" sagot ko

"ok. oh teka napano yang mga kamay mo?" usisa nya Lagot ako neto >.< "Nakipag away ka ba?" dugtong na tanong nya sakin.

"Wala ma naaksidente lang ako kanina" sagot ko

"Sigurado ka? baka naman may hindi ka sinasabi sakin?" tanong uli nya

"opo ma naaksidente lang po ako"  sagot ko

"Bakit kasi hindi ka nagiingat ha?" sermon nya

"Nag iingat naman po ako kaya lang ang disgrasya anjan lang yan sa paligid." depensa ko sabay kuha sa mga babies ko na kanina pa gustong magpalambing.

"Talagang alagang-alaga mo yang mga anak anakan nyo ni MJ ah" Pagaasar nya

Ewan ko ba? pero tumalab yung pangaasar sakin ni mama.

"Naku ma pwede ba" inis ko ng sabisabay alis at pumunta sa kwarto ko

Nagtataka siguro kayo kung sino si MJ at kung bakit kapag napaguusapan sya eh bigla na lang nagbabago yung mood ko. HAAAAAAAAAAAY well si MJ sya yung partner ko!! ooohhh sige na nga BOYFRIEND sya yung boyfriend ko na naglaho na lang parang bula. Shit I can still remember that day I last saw him.

B.P.L.S (Bi Perfect Love Story)Where stories live. Discover now