Chapter 10 ( I fvcking screw things up )

18 0 0
                                    

Nagising ako ng mga mejo tangahali na! mukang napasarap yungtulog ko dahil na din siguro sa puyat at pagod. PUYAT at PAGOD dahil sa isang taong hindi ko naman talaga kilala at kaano-ano, tinakip ko sa muka ko yung unan na yakap ko. Tapos nung naisip ko yung kalagayan nya last night na sobrang taas ng lagnat bigla na lang ako napabangon at napasabunot sa ulo ko na parang nababaliw nako.

"Jerald? gising kana ba?" sabi ko mula sa kama ko

walang sumasagot

"Huy! ok kana ba?" wala pa ding sumasagot sakin kaya bumangon nako para lapitan sya at tignan kung ano ng lagay nya at kung buhay pa ba sya.

"HUUUUUUY! gising kana ba? ok kana ba? . . . ." nagulat ako paglapit ko wala na sya! iniwan na nyako parang may sakit na naramdaman yung puso ko kasi parang may isang pangyayari sa buhay ko ang naulit nanaman. Bumilis yung kabog sa dibdib ko na parang gusto nitong magwala at umalis sa sobrang sakit ng nararamdaman.

"Wa... Wala na sya.." napaupo na lang ako at nagbalik lahat ng mga alaala


mga ala-alang nagbigay sakin ng hindi maipaliwanag na sakit at hirap. napaupo nalang ako at napaiyak. hindi ko alam ang gagawin ko ni hindi ko alam kung magagalit ba ako mismo kay Jerald o sa taong iniwan ako at dahilan kung bakit ako nagkaka ganito. sa sobrang sakit hindi ko na alama ng gagawin ko. tumayo ako habang hawak ang dibdib ko nakakailang hakbang nako at ng pagkabukas ko ng pinto hindi ko na kinaya ang sakit ang dibdib ko at hirap sa paghinga bigla na lang nagdilim ang paligid.


"Jusko anak anong nagyayari sayoooo." tarantang sigaw ni manang fe. at yung na ang huling natandaan ko.



Ilang oras ang nakalipas at nagising na din ako. pero parang nasa ibang lugar ako. hindi ko kwarto to, hindi ko kama to..... dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at may isang lalaking nakauniform ng isang sikat na resto ang nasa harapan ko maya maya ay nakilala ko kung sino nya at bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"Je-Jerald?.." utal kong tanong

"o gising kana pala. kamusta nararamdaman mo?" pagaalalang tanong nya sakin

Bigla kong naalala yung nangyari, naisip ko kung bakit ako nagkaganito binalikan ko sya ng tingin at sabing


"Bakit andito ka?" galit kong sabi sa kanya


nagulat sya sa asal ko at hindi nakapag salita. kita sa muka nya na nagulat sya sa sinabi ko

"h-haa? ano kasi.." hindi ko na sya pintapos sa pagsasalita

"Pwede kana umalis hindi ka naman kailangan ditto" galit kong sabi sa kanya


hindi na sya nakapag salita at agad na syang lumabas. bakas sa muka nya na sobra syang nalungkot sa sinabi ko. umiyak na lang ako at bumalik sa pagkakahiga. maya-maya naramdaman ko na nagbukas ulit yung pintuan.


"Diba ang sabi ko sayo hindi ka kailangan dito...." sabi ko pero sa maling tao

"Manang fe?" tanong ko

"O anak sinong kaaway mo? ayok ka lang ba?" pagaalala nya

"opo ok lang po manang fe." sagot ko

"nako buti naman anak hindi ko alam ang gagawin ko nung makita kang walang malay sa kwarto mo." sabi nya

"buti na lang po manang at nakita nyoko at nadala dito sa hospital." sabi ko

"nako iho hindi ako ang nagdala sayo yung kasama mo kagabi yung nagdala sayo dito." sabi nya sakin

"Pp-po?" gulat kong tanong

"oo iho. saktong pagbukas mo ng pinto bigla kana lang nawalan ng malay ginigising kita habang umiiyak ako hindi ko alam ang gagawin ko tapos naginig kong nagri-ring ang telepono mo sinagot ko at buti na lang yung lalaki na kasama mo yung nakasagot." kwento nya sakin

"Po? si Jerald po?" tanong ko

"oo iho. tumawag sya para tignan kung gising kana at pormal na magpaalam at magpasalamat sayo pero nung narinig nya kong umiiyak at nung sinabi ko sa kanya kung anong nangyari wala ng dalawang isip ata agad syang pumunta para tumulong." sabi ni manang fe

"kanina tinanong ko din sya kung bakit kako naka uniform pa sya ng pang waiter ang sabi nya sakin breaktime pala nila nung tumawag sya ant nung bigla syang napasugot satin hindi na daw sya nakapag palit. alam mo iho ilang oras ka din nyang binantayan at narinig ko din na mukang nagagalit na ang amo nya sa trabaho pero wala lang sa kanya yun at nanatili lang sya dito para bantayan ka." dagdag pa nya

"Manang fe." yung na lang ang nasabi ko at naiiyak nako

"Bakit iho? teka nasaan na ba yung batang yun? dinalhan ko sya ng pagkain at hindi pa daw sya nakakakain."


Hindi ko alam kung anong gagawin. gusko ko na lang kumubog sa kinahihigaan ko. juskooooo sa mga ganitong pagkakataon gustong gusto kong bumuka ang lupa at lamunin ako ng buong buo.

"Napaka walang kwenta kong tao" bulong ko sa sarili ko

"Ano yun iho?" tanong ni manang fe

"yung taong nagaalala at tumulong sakin pinakitaan ko ng hindi maganda at pinaalis ko po manang fe. feeling ko ang samasama kong tao." sabi ko, tumayo si manang fe at umupo sa tabi ko at hinimas nya ang ulo ko na parang isang ina.

"iho alam mo normal lang sa isang tao ang nagkakamali, alam mo naman na walang taong perpekto, kung nagawan mo sya ng hindi maganda pwede naman siguro na puntahan mo sya at kausapin ng masinsinan at humingi ng tawad sa kasalanang nagawa mo.

"opo manang fe gagawin ko po yun. kaya ko lang naman po nagawa yun kasi naalala ko lahat ng sakit na naranasan ko dati kay..." pinutol nya ang pagsasalita ko

"anak wag mo ng balikan pa ang nakaraan lalo na kung hindi maganda ang naitutulong nito sayo pag aralan mong makalomot at magpatawad." payo nya sakin

"opo manang fe susubukan ko po." sabi ko na parang batang maamo

"dapat lang anak dahil sa akin lang ang sakit na kinikimkim mo ng sobrang habang panahon ay hindi makabubuti sayo. mas mabuting alisin mo na yan anak." sabi nya

"opo manang fe." sabi ko sabay yakap sa kanya



Kinaumagahan bumalik si manang fe sa room ng sa hospital

"iho nakausap ko ang doctor ang sabi nya pwede na daw tayo umuwi." sabi nya sakin

"talaga po manang fe? tara na po bored na bored na po ako ditoooo." pagmamaktok na parang isang bata hahaha

"sige aayusin ko lang yung mga gamit natin at uuwi na tayo." sabi nya sakin


at hindi nga nagtagal after isettle ni manang fe lahat ng bills at ng mga gamit agad na din kaming umuwi

"manang fe" tawag ko sa kanya

"o bakita iho?" tanong nya

"alam ko pong late na pero hindi ko na po kayang patagalin pa po." sabi ko

"ang alin iho?" tanong nya

"kailangan ko pong makausap si Jerald at makahingi ng sorry po." sabi ko

"iho hindi ba pwedeng ipagpabukas mo nalang yan anong oras na." sabi nya

"hindi na po manang fe. hindi rin po ako makakatulog ng maayos hanggat hindi po ako nakakapag sorry sa kanya." sabi ko

"osya sige iho basta wag ka magpapakapagod ha" paalala nya sakin

"sige po manang fe." umalis nako at kinuha ang susi ng sasakyan ko at agad ng umalis

saktong nakarating ako sa mall 1hr before closing time. kinuha ko ang susi at phone ko sabay naglakad ng mabilis papunta sa restong pinagtatrabahuhan nya. Yun buti na lang bukas pa, sumilip ako sa loob at nakita ko ang mga crew na naglilinis ng mga tables pilit ko syang hinanap pero hindi ko sya makita kaya pumasok nako para magtanong.

"Sorry sir closed napo kami" sabi ng isang crew sakin pag pasok ko

"No! hindi po ako kakain hinahanap ko lang po si Jerald?" tanong ko

"ahhh si Jerald ba?" sabi nya sabay nagiba yung facial expression nya from smile into frown

"Yes po" sabi ko

"Wala na sya dito" sabi nung crew

"Po? nakauwi na sya agad?" tanong ko

"Hindi po!" sabi nya

"Natanggal po sya kanina." sabi nung isang lalaking crew

"Po? bakit po?" paguusisa ko

"May emergency kasi ata syang pinuntahan tapos nung pinapabalik ng boss naming hindi sya agad nakabalik. kaya ayun nagalit yung boss naming at tinanggal sya sa trabaho." sabi nya

"sumaglit lang sya kanina dito kinausap yung boss naming at kinuha yung mga gamit nya." sabi nung isang lalaking crew

MAYGGGGGGGAAAAWWWWDDDDDD! LOOOOORRRRRRRRDDD kunin mo nako please as in now na poooo hindi ko alam kung anong gagawin ko para kong isatatwang nakatawo sa harap ng mga crew ditto pagkasabi nila nun parang binuhusan akong 5 baldeng nagyeyelong butig. hindi ko alam ang gagawin ko!

"ganun ba? ah alam nyo ba ang home address nya?" tanong ko sa mga kasamahan nila

"sorry pero hindi po policy din po samin dito na hindi po kami pwede magbigay ng mga personal information ng mga kasamahan po naming." sabi nung isa

"Hmm ganun po ba sige po salamat po." sabay alis ko

bumalik ako sa sasakyan ko ng sobrang bigat ng nararamdaman ko. hindi ko alam kung anong gagawin ko! hindi ako mapakali. nakadukmo ako sa manibela ng sasakyan ko ng biglang mag-ring yung phone ko. kuniha ko sa pocket ko at sinagot.

"Hello?" sagot ko

"iho nasaan kana ba? anong oras ka babalik? pinagaalala mo ako." sabi ni manang fe

"manang fe. wala na sya sa trabaho." malungkot kong sabi sa kanya

"panong wala na?" tanong nya

"natanggal sya sa trabaho dahil sakin" sabi ko sabay iyak
"manang fe hindi ko na po alam ang gagawin ko" dagdag ko

"ha? jusme iho umuwi kana dito at dito na natin pagusapan yan" pagaalala nya

"ok po sige po" sabi ko sabay baba ng phone pagkababa ko ng phone naalala ko yung sinabi ni manang fe sakin nung nasa hospital kami sabi nya tinawagan daw ako ni Jerald so dalidali kong tinignan yung call history ko at ayun nga nakita ko ang isang unregistered number sa phone ko agad ko tinawagan pero ring lang ng ring walang sumasagot nakailang ulit  nakong nagtry na tawagan sya pero wala pa ding sumasagot. nawalan nako ng pagasa kaya umuwi na lang ako


pag dating ko sa bahay mukang tulog na si manang fe kaya dumirecho nako sa kwarto ko at nagayos para sa pagtulog. pahiga na sana ko ng mapadaan ako sa sofa nakita ko yung shirt na sinuot nya kukunin ko sana kaya lang tumulo na yung luha ko.

"Lately nagiging iyakin kana ha! tama na yan" sabi ko sa sarili ko at dumirecho nako sa kama ko para matulog.


B.P.L.S (Bi Perfect Love Story)Where stories live. Discover now