Chapter 2: Another Flashback.

29 1 0
                                    

Tinry ko umiwas iwas pero hinaharang pa din ako. =_=

Ay ayaw talaga magpadaan? Alam ko na! XD

"UY TIGNAN NIYO MAY LUMILIPAD NA ASOOO?!?!!?"-sabi ko sabay turo dun sa likod nila at.......

TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!?!?!?!

Nakarating ako sa table namin na pagod na pagod.

"Oh? Ano nangyari sayo? Asan na yung pagkain natin?"-Danielle

Ay nahulog ko pala yung mamon na hawak ko.. Tanga ko =_=

"Wala. uuwi na ako."

Wala na ako sa mood. Magcucutting na lang ako dahil first day of classes pa lang naman eh. ^^

"EEEh? Teka! Saan ka pupunta?"

"Uuwi na sama ka?"

Tumayo din siya tsaka kami lumabas ng campus. Mabuti nga at wala yung guard eh.

Nagshopping na lang kami tapos umuwi.

*Fast forward

3 weeks na ang nakalipas. Meron na din kaming mga kaibigan ni Danielle at maayos naman dito sa bago naming school. Nilipat kami ng mga mommy namin, wala lang daw para naman maiba daw. -_-

Di rin naman maiiwasan na may mambully sa akin. Ewan ko lang kay Danielle, ambait kasi ng babaeng yun eh. Ilang beses na din akong napapahiya nung mga nambubully sa akin at mga kaklase ko pa sila. Ang leader nila ay si Alenna Dizon . Siya ang cheer captain ng pep squad. Maganda, matalino, kaso panget ugali. Sus! Mas maganda pa ako diyan at mas magaling ako sumayaw! >.<

Di na ako nagtaka nun kung may mabubully sa akin. Kasi lagi naman sinasabi sa akin ni Danielle na mataray ako at para daw laging sinakluban ng langit at lupa ang mukha ko. Try ko daw ngumiti minsan, di nakakamatay.

Hay! Pupunta muna ako sa lab at may pinapakuha sa akin ang magaling kong teacher.

=Danielle=

Hello! 3 weeks na ang nakakalipas. Masaya naman. May mga bago akong kaibigan at nagkakasundo kami dahil mahilig din sila sa music.

Ako si Danielle Valencia Munoz. Ako ang bestfriend ni Avery. Yung babaeng mataray. Kinuwento niya sa akin na may mga nambubully sa kanya at sabi ko naman ngumiti man lang siya kahit minsan pero ayun, ganun pa din ang expression sa mukha niya, daig pa ang menopause na matanda.

Eww ayoko nga tumanda kaya lagi akong nakangiti like this ^______________________^

Ahahahahaha! Ewan ko nga pero lagi na lang akong masaya kahit wala namang nangyayari. Nagtataka talaga ako kasi di ko matandaan kung kailan ako nalungkot? AY! Nung di pala kami magkaklase ni Avery. T.T

Anyways! May next year pa naman daw.

Papunta ako sa cr at naglalakad ako sa hallway ng may marinig akong naggi-gitara...

"Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit sa mga *sob salitang *sob bi-nitiwan *sob  mo.."

Umiiyak yung kumakanta. Nakakaawa naman mukhang brokenhearted pa siya at wala pa sa tune yung pagtugtog niya. 

Pumasok ako at inagaw yung gitara..

Nagsimula na akong mag-strum..

"Nakatanim pa sa'king alaala

 Pangako mong mananatili ka

 Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito

 Na ngayo'y, bitin na bitin.."

Halatang gulat na gulat yung lalaki pero lumuluha pa rin siya at magang-maga na ang mata niya. 

Brokenhearted kaya to?

"'Di mo na mababawi iniwang sakit

 Sa mga salitang binitiwan mo

 Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda,

 At siyang unang umiwas

 Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?"

In state of shock pa rin yung lalaki. Inabot ko sa kanya yung gitara. Hinawakan niya yung gitara pero di ko pa rin binibitawan. Tinignan nung lalaki yung gitara tapos binalik niya ulit ang tingin sa akin.

"Ganun ang tamang pagtugtog ng 'Di na Mababawi' ng spongecola. Tsaka punasan mo nga iyang mga luha mo mukha ka tuloy uhuging bata."

Sabi ko tsaka ako lumabas pero bigla siyang nagsalita.

 "Teka! A-anong pa-pa-pangalan m-mo?"

"Danielle. Danielle Munoz. ^_^"

Tapos tuluyan na akong lumabas dun sa kwarto at pumunta na ng cr.

Grabe naihi ako dun ah!? Woooo!

Dumiretso na ako sa canteen kasi break na rin namin. Nakita ko na din sila na nakaupo dun sa table na lagi naming inuupuan.

Umupo ako sa tabi ni Avery.

"Saan ka galing?"-tanong ni Bea.

"Nag-cr lang ako. ^_^"

"Ano guys sa sunday invited kayo sa 15th birthday ko. Sana makapunta kayong lahat."-sabi naman ni Reeche. (Lalaki po siya.)

"Pati ba kami kasama?"-tanong ko.

"Oo naman. Isama mo na din si Avery."

"Wag na. Baka mapahiya lang ako dun."-walang ka amor amor na sagot ni Avery.

"Hindi iyan promise! Aayusan kita pati na din ikaw Danielle! ^^"-sabi naman ni Bea.

"Sige na Avery! Magiging masaya yon!"-sabi ko sa kanya.

Nag-nod na lang siya at idinukmo ang ulo sa mesa para matulog.

Excited na ako!!! 

"Tsaka by the way, magdala din kayo ng mga damit kasi swimming party yon at overnight."

"Excited na ako!! Isusuot ko yung regalong swimsuit ng tita ko!"-sabi naman ni Bea.

Yehey! Makikita ko na din si Avery ng nakatupis! *smirk* 

Bigla niyang inaangat ang ulo niya at tumingin sa akin,

"Wag ka magsaya Dani kasi di mo pa rin ako makikitang magswimsuit."-Avery

T_T 

Akala ko pa naman. >.<

Anyways. Friday ngayon tapos bukas walang pasok. Bukas ako magaayos ng gamit!!! XD

*******************************************************************************************

A/n: Iniba ko po kasi may mali. Sorry! =)))

&lt;3 Dear Locker Number_____Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon