Ellaine's POV
BALIW talaga bestfriend ko ba't binigyan nya ako ng ganitong steps to win the heart of someone? Eh iyong someone ko hindi ako pinapansin.
Impossible talaga di ko naman magagawa yang mga yan:) Adik talaga pero mas adik yata ako kasi nahahigh ako pag siya ang nakikita ko :)
Nandito ako ngayon sa canteen, nakatitig sa crush ko. Kasama nya yong mga kaberks nya puro rin gwagwapo si Matakaw, si Babaero, si Tahimik, si Mayabang at si.....
Grabe ang mga kaberks ni Dylan gugwapo tulad niya. Aba'y ewan , ba't nga ba ako nagkakaganito meron namang iba dyan. Dapat magalit ako sa kanya kasi BAD sya para rin sabihing di ko siya crush pero iba pa rin kong si.. Nako ewan.
Dapat galit na galit ! HAHA' uso daw yun pero di ko talaga magawang magalit sabi nga ng aking besty dapat daw ako matutung magalit paminsan minsan pero wala pa rin ehh.^^. The world itself is just amazing.
Hehe' yung gwapo na nagbabasa yun - yun ohh he is DYLAN VILLA FLOR ,okay na sa akin ang ganito lang nagmamasid ng palihim sa malayo sa kanya.
He is almost PERFECT di ba? Di mo talaga aakalain ganyan kagaspang ang ugali pagnakita mo ang mukha niya :)
Iyong katabi niya si Yuuji parang Anghel na nahulog sa langit kungbaga sa sobrang amo ng mukha maihahantulad mo din sya sa isang Tigre , cute ng tiger Oo - maamo nga ngunit mapanganib. Ahh, ewan si Dylan pakay ko dito.
Weweyttt! may nang-aagaw ng eskina may lumapit na naman sa kanya. Hala! hinawakan pa siya O_O Lagot ka miss , sana di sya saktan ni Dylan !
"Dylan so-so-so-so-rry" hala ayan na naman , patay kang babae ka! Ba't mo kasi siya hinawakan ehh. Tumakbo ka na T_T
"DYLAN! Huminahon ka , bro." sabi nong matakaw pero cute niyang kaibigan. Tumayo na si Dylan at nilampasan nito ang babae :) Salamat naman at di niya sinaktan , nagbag-------. Bumalik sya ng may dalang isang basong tubig at 1..2....3... Binuhusan niya ito .
"Dylan" sabi nong babae na basang-basa at umiiyak. Naaawa ako sa cute na babae , Ellie magalit ka muna kay Dylan ngayon lang. Kahit ngayon lang.
"Ano pang itinatayo-tayo mo? Gusto mong kumukulong tubig naman ang ibuhos ko sa iyo ?" sabi ni Dylan na walang emosyon. Nako 'di ko na kaya ito masyado ng mabangis ang Cubby ko kailangan ko ng kumilos talaga. Bahala na kung ako ang mabuhusan ng kumukulong tubig sasabihin ko nalang kay Papsy na magpapa-plastic surgery ako.
"Okay , gusto mo pala ehh!" Bago pa ibuhos ni Cubby ang tubig ay dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila ng bigla akong natapilok at napasigaw----
"HIWAAAAGGG !!" Lumingon sila sa aking lahat at nagulat sa ginawa ko. Wa- poise ako nito , baka mabuking ako . Nakadapa pa rin ako sakit kasi ng paa ko hindi ko kayang tumayo.
"Dylan, mukhang may isa na naman ang nagpapansin sayo, ohh" Haa? Nako ! ayaw ko pong mabuking hindi ako nagpapapansin sa cubby ko dapat may gawin ako para mabaling ang atensyon nila.
"KRISPIN. BASILYO ! MGA ANAK KO , ASAWA KO !" Huhu , nagmukha na kong baliw , HUHU !
"Ay , bro. Baliw !"
"Ano ba yan , hindi to theatre !" sigaw nung masungit na babae.
"Okay ka lang ?" Tumingala ako sa taong nagmamay ari ng boses. Like OOOOOOOOOHHHHHHMMMYYYUUGGGHHAAAADDDD! Ang Cubby koooo.
"Ah..... eh....." Natulala ako at agad akong napatayo aba'y nawala agad ang sakit sa paa ko. Ang gwapo niya sa malapitan napakaamo ng mukha sarap hawakan pero di pwede baka mabuking ako. Lalakad na sana ako palayo ng bigla akong na out of balance at natabig ko ang dala niyang basong tubig at nabuhusan siya sa mukha at sa tapat pa ng maraming tao.
