Chapter 4

1 0 0
                                        

Yuuji's POV

Ito na yung kinakatakot ko nangyari na naman. Aalis na naman sina Ellie at walang kasiguraduhan na babalik pa sila dito. It's been 9 years noong una silang pumunta sa States para magpagamot. May sakit siya sa puso at kasalanan ko lahat! Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ko lang siya inaway nun mga bata pa kami hindi matritrigger yong sakit niya. Hindi sana siya aatakihin. Simula non itinatak ko sa sarili ko na wala akong karapatang ngumiti. Wala akong karapatang sumaya ako ang dahilan kung bakit naghihirap ang bestfriend ko noon.

Nagulat ako sa sarili ko no'ng nakita ko siyang umiiyak sa park. Iniiwasan ko siya. Dahil baka mangyari sa kanya yong nangyari sa kanya noon. Maayos na ang kalagayan niya, gusto ko siyang yakapin pero inunahan na niya ko at laging gulat ko ng hinimatay siya. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na yun. Dinala ko siya sa kanila at agad namang tinawagan ni tita ang personal doctor nila. Nagpaalam ako agad kina Tita nauuwi na ayokong nakikita ang bestfriend ko na nakaganyan. Parang kapatid na turing ko sa kanya. Pero sinabihan na ako ng Papsy niya na wag mag-alala dahil matagal ng gumaling si Ellie.

2 days kong nilunod ang sarili ko sa practice. Dalawang araw na ring di pumapasok si Ellie.

*Flashback*

"Hoy! Troy , bali-balita yong nangyari no'ng isang araw hah." -Ace

"Oo , nagdate sila insan at si insang uod- HAHAHAHAHA ! Sinimulan na ni Dylan yong panliligaw niya. "

Natuwa ako noong una sa mga pinanggagawa ni Troy para kay Dylan at Ellie. Alam kong gustong-gusto ni Ellie si Dylan at supportado ko siya pero nitong mga ilang araw napansin ko na umiiyak siya.

"Tss, date? Eh, umiyak daw si Ellaine.Anong nangyari ?" -Mike

"Troy! Itigil mo na yang mga pinaplano mo. Hindi ka si Kupido. Kung nauto mo sila , ibahin mo ako. Hindi na yan nakakatuwa." sabi ko sa kanya.

"Chill brooo!"

"Tumahimik ka! Troy!" umalis na ako agad. Tama na rin yong napagsabihan ko ang kumag.

Pagkalabas ko ng gate nagulat ako ng makita ko si Tita , namumugto yong mga mata niya.

"Eul. Kailangan mong pumunta sa bahay". nagtaka ako kung bakit.

"Tita. Kumusta na pala si Ellie?"

"Eul." bigla nalang umiyak si Tita.

"Tita! What's wrong?"

"Hindi pa siya nagigising hanggang ngayon. At sabi ng doctor---" umiyak na naman ulit ito.

"Please , tita. Huwag mo ng ituloy." Inalalayan ko siya papasok sa kotse at ako na mismo ang nagdrive. Pagkadating namin sa bahay nila. Nakita ko ang maamong mukha ni Ellie nakapikit pa rin ito.

"Hoy! Pangit! gumising ka na dyan." Hinawakan ko yong mukha niya.

"Eul. Sorry kong naistorbo kita, ehijo haa. Kagagaling lang ng isang kaibigan ni Ellie dito iyong si Denise.''

"Uuwi na po ako tita, haa!" nakayuko kong paalam sa kanya. Ayaw ko talaga sa mga ganito.

"Eul. Please! Kalimutan mo na ang nakaraan wala kang kasalanan sa nangyari kay Ellie, ehijo. Namimiss na namin iyong palangiti na Eul Yuuji Sierrna.''

"Mauna na po ako. Etext niyo po ako pag nagising na siya Tita." Niyakap ko siya at tsaka umalis.

(Fast Forward)

"IIIIIIMMMMMM HOMMMEEEE." sigaw ko. Ganito ako kung makasigaw feel na feel ko na taga-rito ako. Nagtext sakin si tita na gising na si Ellie agad kong pinaharurot ang sasakyan ko.

THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon