"Mahal kita."Nagulat siya sandali then balik nanaman sa poker face ang expression niya.
=_____= lagi naman eh.
"Tsk. I don't like you."
Yeah, alam ko! Obvious na obvious nga eh! Oo nga naman hindi mo magugustuhan ang isang tulad ko!
"I don't care...May nabasa kasi akong libro kanina at ang sabi 'kapag gusto ko raw ang isang tao, sabihin ko para hindi ko pagsisihan balang araw na hindi ko nasabi sa kanya kung ano ang nararamdaman ko' kaya ito mahal kita ^_^"
Titig na titig ako sa mga mata niya. Pero siya? Obvious na bored.
=_____= deym! Sa totoo lang nakakahiya talaga !
"Are you done. Im bored. Gotta go."
Tapos tumalikod siya at naglakad.
Wow! Just wow!
"Hoy! Harvey Lein Fasco!"
Tumigil siya pero di tumingin sa akin kaya lumapit ako sa harap niya.
Itinaas ko ang kamay ko.
"Pagbumalik na ako dito at gumanda ng bongga! mangako kang hindi mo parin ako magugustuhan. Pinky promise dali!"
Demanding ba? Paki niya!
Nag sigh muna siya bago niya tinaas ang kamay niya sa akin.
Sandali lang yun tas binalik niya ulit sa bulsa niya.
"Nonesense."
Sabi niya at tuluyan na akong iniwan.
"My first puppy love...bye."
I whisper.