>>>>chapter 18
*DENVER's POV*
Andrama ng mga tao ngayon buti nalang gwapo ako ^_^
Lilinawin ko lang kung bakit ako may POV. Gwapo kasi ako ^_^
"KC-"
"shut up."
Hindi pa nga ako nakadalawang words. Bakit nadamay ako sa galit niya, wala naman akong ginawa T^T
"sasabihin ko lang sayo na ano..na..si Lien kasi..ahm ano.."
"i don't care."
tas tumayo siya.
"may lagnat siya! 3 days na at ayaw niyang uminom ng gamot!"
Napahinto siya sa paglalakad tas mabilis na bumalik sa akin then bigla nalang akong hinila.
Sa gwapo kong to, hinihila lang niya. T^T
"bakit ngayon mo lang sinabi! tang ina! tatlong araw na pala!"
iba na talaga pag umiibig ^_^
At kahit nasasaktan ako sa hila niya sa akin ngayon. hinayaan ko nalang kasi gwapo ako eh.
"Susi!"
Luh hindi si KC to, demanding masyado eh T^T
gwapo na naman ako kaya binigay ko nalang yung susi ng kotse ko.
Nagmamadali siyang pumunta sa driver's side tas pumasok agad kaya pumunta nalang ako sa kabila.
Pero akma ko palang bubuksan ang pinto pinaharurot na niya ang kotse. iniwan ako dito, ang ganda pa ng posing ko T^T
Sana lang talaga walang mang yari kay ganda(kotse niya) kasi halos gawin na niyang eroplano kung magpalipad eh.
Ganyan ba talaga pag inlove? hindi ko alam kung may kinalaman ang kagwapohan ko pero basta gwapo ako ^______^v
.
.
.
*KC's POV*nagmamadali akong umakyat sa taas papunta sa kwarto ni harvey. Gagong to balak atang magpakamatay!
"Harvey!"
"out.denver."
mukha ba akong si denver?! Lumapit ako sa kanya. May sakit nga siya.
"hoy! bakit hindi ka umiinom ng gamot! balak mo bang magpakamatay ha?! tatlong araw na yang lagnat mo ah!"
"mapait."
Nakapikit siya. Hinawakan ko ang noo niya. Ang init nga!
"kailangan mong uminom ng gamot! Sobrang init mo na!"
"ayaw."
"Harvey! Antigas talaga ng ulo mo!"
"Kataliya."
"ako nga!"
nagmulat siya ng mata tas tumitig sa akin.
"Kataliya."
=_____=
Paulit ulit. Ngumiti siya.
"kataliya."
*Dugdug~
"kukuha ako ng gamot. inumin mo!"
nakangiti pa rin siya =__=
So, lumabas nalang ako at kumuha ng gamot.
"inumin mo na."
kinuha naman niya tas tumingin muna sa akin.
"stay."