>>> Chapter 21
"mom... "
niyakap ko siya.
"im sorry Honey, it's positive."
Umiyak na naman ako palagi nalang.
dalawang linggo na akong umiiyak.
Nandito na ako sa bahay namin dahil pinalayas na ako ni harvey sa kanila.
nung hinatid ako ni denver pagdating namin sa bahay niya nasa labas na lahat ng gamit ko at hindi niya ako hinayaang makapasok dahil ayaw na niya akong makita.
Yun ang pinakamemorable birthday na hindi ko makakalimutan.
"im so sorry honey."
"mom wala kang kasalan, dumating na yan.alam kong malalampasan din natin to, just be strong mom."
"pero honey ang sabi ng doctor, hindi na maagapan ang sakit ko."
nakakainis. Ano bang nagyayare sa buhay ko! nawala na nga si harvey sa akin ngayon si mommy naman?!
Hindi na ako pinapansin ni harvey sa tuwing susubukan kong kausapin siya.sa school naman dinadaanan lang niya ako na parang hangin,na parang hindi kami magkakilala.
Hindi na siya yung harvey na takot na mawala ako dahil wala na siyang pakialam.
"Mom, sa ibang bansa. Doon natin subukan baka sakaling kaya pang agapan."
"i will only last two or three years honey. Gusto kong sulitin ang panahong yun na kasama ka kaysa magpagamot."
Kumalas siya at ngumiti sa akin.
"t-then...let's make a happy memories."
tumango siya.
"pero hindi dito. I wan't to back in LA mom. "
"pero paano si-"
"mas importante ka sa akin ngayon."
siya nalang ang natitira sa akin.
"okay next week. Aalis na tayo."
Tumango ako.
*School
"Hoy harvey!"
huminto siya tas tiningnan lang niya ako.
"Alam mo pagod na akong umiyak sayo."
"sinabi ko bang umiyak ka."
"nakakainis ka na, alam mo yun?"
"alam ko na, kasasabi mo lang, yan lang ba ang sasabihin mo.marami pa akong gagawin, istorbo ka."
Tumalikod na siya sa akin. wag kang iiyak KC!
"sorry ha! istorbo na pala ako sayo ngayon. wag kang mag alala hindi mo na ako makikita kahit kailan!"
humarap ulit siya sa akin.
"bakit magpapakamatay ka ba?"
"paki mo!"
"Ka-KC. wala akong pakialam pero sige bahala ka, buhay mo yan."
Ngumiti ako. nagulat siya sandali pero balik sa pokerface.
"hindi ko sasayangin ang buhay ko para sa isang tulad mo. pumunta lang ako dito para mag paalam, aalis na ako at hindi mo na ako makikita. yun naman ang gusto mo diba. Sige bye."
tumalikod na ako.
pigilan mo ako please...
"KC..."