Chapter 4

5 0 0
                                    

"Mhine naman e. Nangako ka sakin. Sabi mo kahit kailan di mo ko iiwan. Marami tayong pangarap diba? Mahal na mahal kita e. Sabi mo sakin mahal mo din naman ako diba? Pwede pa naman nating ayusin to e. Maayos pa to diba?"

Oo. Maayos pa to. At aayusin ko to kahit anong mangyari. Lahat gagawin ko. Ganun ko siya kamahal.

"Hindi ko alam. Ayokong mangako."

Bakit ganoon? Bakit parang hindi si Bricks na mahal ko yung kausap ko ngayon? Ano bang nangyayari? May problema ba? May nagawa ba akong masama? Bakit parang all of the sudden bigla na lang siyang lumalayo?

"Ah basta. Aayusin natin  to. Diba? I love you mhine ko. Saglit lang to diba? Hindi mo naman ako iiwan. Siguro may pinagdadaanan ka lang talaga ngayon. Basta promise wag kang bibitaw ha? Kung may nagawa man ako sayo, sorry. Pagbigyan mo pa ko."

Tanga na kung tanga. Pero yan talagan ang sinabi ko sa kanya. Ayoko kasing maniwala na grades lang ang dahilan kung bat niya ako iiwan. Alam ko may dahilan. At kailangan ko lang talagang malaman.

.

.

.

.

,.

.

.

.

.

Lumipas ang ilang araw, ang daming nagbago sa kanya. Di na siya parating nagtetext. Tapos kailangan ko pa siyang tawagan ng tawagan para lag itext ako. Para akong tangang nagmamakaawa sa kanya na itext ako. Pumupunta nga siya sa bahay namin pero saglitan lang. Tapos di na siya malambing. Lagi pang nagmamadali.

Tatlong buwan. Tatlong buwan kaming ganun. Tatlong buwan akong tawag ng tawag. Text ng text. Habol ng habol sa pagaakalang magiging maayos lahat. Pero hindi. Lalo lang lumala. Kulang na nga lang sabihin niya sakin na ayaw na niyang makipagkita.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon