Chapter 5

1 0 0
                                    

Valerie POV

Maaga akong nagising dahil baka mamaya malate nanaman ako. May training din pala kami mamaya kaya magaayos na ko.

Bumangon na ko para makaligo at makapag ayos na. Konting powder, konting suklay at konting lip gloss and ready to go na. Bumaba na ko para makapag paalam kila mommy. Wala naman akong gana kumain ng breakfast kaya aalis na ko agad.
"Mommy, alis na po ako ah?" Paalam ko kay mommy.
"Pero hindi ka pa kumakain?"

"Busog pa ko mommy eh."

"Kumain ka kahit konti lang bago ka umalis. Dali na." Nilagyan ni mommy ng kanin yung plato na nasa tapat ng upuan ko kaya wala akong nagawa kundi kumain.

Minadali ko ang pagkain para makapasok na dahil gusto kong makita si Andrei. Patapos na ko ng biglang tumunog ang phone ko.

From: Payatot <3
Oy Taba. Andito ko sa tapat niyo, labas ka na dali. Sabay na tayong pumasok. :)

Text ni Andrei, biglang naginit ang mga pisngi ko. Pinuntahan pa talaga niya ko dito sa bahay. Enebe nemen yen! Hahaha!
"Val, kumain ka pa. Mamaya na yan." Sabi ni mommy. Tinapos ko ang pagkain ko dahil konti na lang naman yun.
"Mommy, alis na ko. Asa labas si Andrei at hinihintay na ko." Tumayo na ko at uminom ng tubig. Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi niya.
"Kaya naman pala. Sige na, mag ingat kayo." Nagmadali ba kong lumabas ng bahay para makita si Andrei.

Nagtataka ba kayo kung bakit wala si Daddy kanina? Weekends lang kasi siya umuwi dahil out of town ang trabaho niya. Pagkabukas ko ng gate isang anghel ang sumalubong saakin.
"Antagal mo ah. Pawis na pawis na ko dito oh. Bawas kagwapuhan to." Bawas kagwapuhan? Parang hindi naman ah. Wala naman pinagbago eh. Pero dapat asarin ko siya para di halata.
"Anong bawas kagwapuhan? Talagang wala. Assuming ka nanaman."

"Wag nga ako Val, natulala ka nga kanina pagkakita mo sakin kanina eh."

"Ha? Nasilaw nga ako sa araw eh. Wag ka ngang feeler." Naglakad na ko at nauna sakanya. Kinikilig ba naman kasi ako eh. Kakainis talaga to.

May humintong trycyle sa harap ko kaya sumakay na kami. Magkatabi kami, sobrang dikit namin kaya hindi mapigilang kumalabog tong puso ko. Patago ko siyang inaamoy. Walangya! Pati amoy ba naman niya ang gwapo din? Lahat na sakanya gwapo! Kinikilig talaga ko.
"Mabango ba ko?" Tanong niya na ikinagulat ko. Wtf?!
"Ang bangoka dyan?! Ang aga aga pa nga lang amoy araw ka na! Yuck!" Inamoy naman niya yung sarili niya.
"Pinaghintay mo kaya ako kanina. Pinagpawisan tuloy ako." Natawa na lang ako sa sinasabi niya kasi napasimangot siya. Ang cute niya talaga.

Natigil ang kalandian ko ng huminto na yung trycyle. Nasa tapat na pala kami ng school, parang ang bilis naman. Kainis! Bumaba na kami at naghati na pamasahe dahil hindi ako pumayag na ilibre na naman niya ko. Nakaka hiya na kaya. Pumasok kami sa school at dumiretso sa locker para kunin yung mga gamit namin. At kinilig nanaman ako dahil siya nanaman ang nag dala ng gamit ko. ANG GANDA KO TALAGA! HAHAHAHA!

---*
Hi babies :* Ano masasay niyo kay Val? Malandi ba? Hahahah! Comment your suggestions or anything ;) Enjoy reading guys. Please Vote :D

Andyyy❤

Stay by my sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon