Chapter 7

8 0 0
                                    

Andrei POV

Nagising ako sa ingay sa labas ng kwarto ko. Sabado ngayon kaya malamang nandito ang mga kapatid ko, gulo nanaman ang bahay nito. Bumangon ako at pumuntang banyo para makapag hilamos.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita kong kumakain sila Mama kasama sila Kuya. Bunso ako sa magkakapatid, ako na lang ang nagaaral sakanila. Lumapit ako sakanila para humalik kay Mama.
"Kain na nak." Sabi ni Papa. Tumango na lang ako at tumabi kay kuya. Nilagyan ni Mama ng ulam at kanin yung pinggan ko kaya nagsimula na ko kumain.
"Tol, kamusta na? Kamusta sa school?" Tanong ni kuya.

"Ok lang naman kuya. Napagsasabay ko naman ang basketball pati pag aaral ko."

"Mabuti naman kung ganon." Sagot ni Ate. Tahimik na ulit kaming kumain.

Nang matapos kaming kumain nagsimula ko ng ligpitin ang pinagkainan namin.
"Drei, ako na dito sige na." Sabi ni Ate.
"Sige ate. Mauna na ko, salamat." Sagot ko at naglakad pabalik ng kwarto. Maliligo na muna ko at maka punta na lang sa mall dahil nabobored ako dito sa bahay.

Matapos ko maligo nagbihis na ko at lumabas ng kwarto. Pumunta ko kila Mama para magpaalam.
"Ma, alis muna ko. May kailangan lang ho akong bilhin." Paalam ko.

"O sige. May pera ka pa ba?"

"Meron pa naman po. Sige po. Mauna na ko."

"Magiingat ka." Pagkatapos ko magpaalam lumabas na ko ng bahay. Naisip ko bigla na wala pala kong kasama, baka mag mukha lang akong tanga. Nag isip ako kung sino ang pwede kong makasama. Tinext ko agad siya at pinuntahan sa bahay nila.

Valerie POV

Nananahimik akong nagtu-twitter ng biglang tumunog ang phone ko.

From: Payatot <3
Val, magbihis ka na. Punta tayo ng mall. Susunduin kita. Papunta na ko.

Pusang gala! Agad agad talaga? Biglaan? Talaga tong si Andrei oh. Narinig kong may nag doorbell kaya naman tumayo ako sa kama ko at pumunta sa may gate. Tumambad sakin si Andrei na bihis na bihis.
"Andito ka na agad?" Sabi ko.

"Hindi. Hindi ako to."

"Letche ka. Ano bang problema mo? Nangbubulabog ka?"

"Diba sabi ko mag mamall tayo? Tara na."

"Nakita mong wala pa nga akong ligo eh."

"Eh ano pang hinihintay mo? Ligo na." Napaka bossy naman neto.

"Letche ka talaga. Pumasok ka muna. Mamaya mag amoy araw ka nanaman." Pumasok na kami sa loob ng bahay. Wala sila mommy ngayon dahil may pinuntahan kasama ng mga kapatid ko. Kaya pala tinamad akong sumama dahil may mas magandang lakad para sakin. Lord, ambait mo talaga! The best ka!

Nakarating kami sa sala at pinaupo ko siya dun.
"May gusto ka bang kainin?"

"Hindi. Ok na ko. Bilisan mo na lang."

"Napaka bossy talaga! Manood ka na lang dyan. Hintayin mo na lang ako dito."

"Ok sige." Bumalik ako sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos ko maligo, naghanap na ko ng damit na maisusuot. Kung mag dress kaya ako para date lang ang peg. Kaso hindi naman bagay sa porma niya. Kinuha ko na lang ang v-neck ko ko at ripped jeans ko para simple. Nag suklay, naglagay ng konting powder at lip gloss at lumabas ng kwarto.
"Tara na." Sabi ko kay Andrei.

"Tagal mo ah!" Reklamo niya.

"Napaka mo talaga! Ikaw na nga dyan sasamahan sa biglaang pagyaya mo!"

"Libre ko naman. Wag ka magalala." Magic word? Nabuhayan ako bigla. Ok, date po namin ni Andrei to. Ano ba yan kinikilig ako. Hahahaha!

Lumabas na kami ng bahay at nag abang na taxi. Saktong may huminto sa tapat namin. Sumakay na kami at nag tungo sa mall na pupuntahan namin.


-----*

Comment and Vote guys :* open for your suggestions :)

Andyyy❤

Stay by my sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon