Valerie POV
Nakarating kami ng mall ng tahimik lang kami. Parang ang awkward namin, antahimik niya kasi. Kaya ako na babasag ng katahimikan.
"Payatot, bakit ka nga pala nag yaya bigla?" Tanong ko."Wala naman. Ayaw ko lang mag stay sa bahay ngayon." Simpleng sagot niya. Sa matagal na naming magkaibigan talagang napapansin kong may iba sakanya ngayon kaya napag isipan ko na lang na tumahimik muna.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa,
"Omg! Gustooooooo koo nitoooooo!" Sigaw ko sabay lapit sa malaking teddy bear na panda. Pinagtinginan kami ng mga tao pero wala akong pakielam! Matagal ko ng gusto to. Tinignan ko ang presyo. Hala?! Bakit 4000 siya? Ang mahal naman! Hindi ko kayang bilhin to.
"Ang childish mo naman! Simpleng teddy bear lang yan!" Sabi sakin ni Andrei. Inirapan ko siya.
"Hindi mo kasi alam matagal ko ng gusto to. Ang mahal kasi!" Mangiyak ngiyak kong sabi.
"Magsasayang ka lang ng pera kung bibilhin mo yan. Tara na." Ang epal naman niya. Ang cute cute kaya ng panda! Hindi ba niya alam na pinapangarap ko na siya ang mag bigay sakin nito?!Hinila na niya ko palayo sa Panda bear. Nakatingin pa rin ako habang paalis na kami.
"Hindi ko kayo maintindihang mga babae kung bakit gusto niyo yang mga basura na yan!" Basura? Tinawag niyang basura ang baby panda ko?! Hindi na kita crush! I hate you! Pero syempre joke lang yun.
"Hindi kasi basura turing namin dyan. Iniisip kasi namin na kung sino ang nag bigay samin niyan, sila yan na pwede naming yakapin pag wala sila. Wala ka kasing alam kasi hindi ka babae!" Depensa ko."Whatever! Tara na nagugutom na ko." Dumiretso siya sa Mcdo. Nakalimutan kong sabihin na pareho kaming patay na patay sa mcdo kaya alam niyo na ha? Meant to be talaga kami.
BINABASA MO ANG
Stay by my side
Teen FictionAnong gagawin mo kung alam mo sa sarili mo na hindi na lang talaga kaibigan ang tingin mo sa kaibigan mo, kahit alam mong hindi magiging magkaparehas ang nararamdaman niyo. Aasa ka pa rin ba? Pano kung magugustuhan niya ang isa sa mga importanteng t...