This is Love - 16

4.1K 67 29
                                    

Hello!

Natawa ako sa make babies na sinasabi kay Carl and Jean. Hahaha. :)

Anw, I'll try po na makapag-update ulit na 7-9 pages. Hahaha.

May twitter na si Francis Cervantes!! :) Follow him guys! @JustMeFrancisC thank you!

-------------------------------------------------------------------

JEAN'S POV

 

Heto hinihintay ko na lang na ako na yung maglalakad sa aisle.

"Nervous?" Dad asked

"Nope. Ako pa. Hahaha." pagde-deny ko.

"Naks. Maka-deny ah."

 

"Dad naman eh."

 

"Biro lang. Alam mo masaya ako para sa'yo anak."

 

 

Nahigpitan ko tuloy yung pagkapit ko sa braso ni Daddy. "Thanks Dad. I love you."

Dad kissed my hair. "I love you too my little girl."

 

At habang naglalakad kami sa gitna ni Dad, nagkatinginan kami ni Carl. At sabay kaming natawa.

Hindi ko maiwasan mag-flashback habang hinihintay niya ako makarating sa altar.

"Excuse me. May partner ka na?"

"Ha? Partner?"

"Yeah. Kung wala pa pwedeng tayo na lang? Lahat ata kasi sila meron na eh."

Kumunot ang noo niya. "Let me think of it first."

 

Yan yung first encounter namin, naghahanap ng partner para sa research paper nung first year. At yan din yung unang moment na kina-inisan ko siya. Badtrip eh pag-iisipan pa daw niya eh kailangan na ni miss yung listahan ng magkaka-partner. Choosy pa.

This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon