This is Love - 29

3.7K 62 9
                                    

CHAPTER 29

ELLA'S POV

Right after namin mag-usap ni Tito Ren, balik opisina kagad ako. Tinetext ko kasi si Francis kung asan siya, hindi naman nagrereply. Imposible namang mawalan ng load yun eh ang yaman yaman. On the second thought, kuripot nga pala yon. On the third thought, naka-line nga pala siya. Nakakatanga.

At pagbalik ko naman eto nanaman si Dom, nangungulit at ang pangungulit niya eh pambibwisit.

"Hay nako, Ella. Babalik balik ka dito ng wala man lang dala. Walang pasalubong? Tch."

"Ay, bakit? Nagbigay ka ng pera para bilan kita ng pagkain?"

"Ay, bakit? Kaya nga pasalubong diba edi ibig sabihin kusa mong bibilin para sakin."

"Ay, bakit? Sinabi ko bang umasa ka na bibigyan kita ng pasalubong?"

"Ay, bakit? Di ka nakakaalala ng kaibigan pag umaalis?"

"Ay, punyemas. Naiirita na ko sa 'Ay, bakit?' na yan ah!"

"Ikaw nauna eh!"

"Bakit mo kasi ako ginagaya?!"

"Bakit ka pikon?!"

"Bakit ka nangiinis?!"

"Bakit ka sumisigaw?!"

"Bakit ka nakakabwisit?!"

"Bakit lumalaki butas ng ilong mo?!"

"Bakit ka nangaasar?!"

"Bakit ka hina-highblood?!"

"Bakit-.." hindi ko bigla matuloy yung gusto ko sabihin. Buti nga na-control ko pa eh. Nyemas kasi tong ungas na to.

This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon