This is Love - 35

3.2K 72 25
                                    

 CHAPTER 35

ELLA’S POV

Nagising ako nang tumunog ang alarm clock. Saglit nga lang ang tulog ko eh. Sino ba namang makakatulog kung ito na yung araw.. araw na sana hindi na lang dumating.

Nagbukas ako ng corned beef at ginisa ito, dun ko din sinangag ang kanin para mas masarap - Yan ang paborito niya.

Nag-umpisa akong kumain mag-isa. Lutang ako, malalim ang iniisip, hindi ko alam kung anong nangyare.

Maayos naman kami diba? Okay kami eh. Masaya pa kami sa piling ng isa’t isa. Pero anong nangyari? Sabi nga sa kanta ni Aiza Seguerra, “Anong nangyari sa ating dalawa?”.

Di ko tuloy napigilan ang pagtulo ng luha ko sa pag-alala ng mga ngiti niya pag magkasama kami. Agad ko naman iyong pinunasan.

Ito na ba yon? Ito na ba yung isa sa mga dahilan na pumipigil sakin para ibalik yung relasyong meron kami?

Magagawa nga kaya sakin ni Francis yon?

Naisip ko na baka pakana lang din ni Ate Kath yun eh, pero hindi naman siguro papayag si Francis na mangyari yon diba?

Ako ang mahal niya kaya hindi siya papayag. Hindi niya itutuloy yung engagement na yon eh.

I believe in him.

Naligo ako. Kasabay nang pagbagsak ng tubig sa mukha mula sa shower ang pagbuhos ng luha ko.

Di ko parin maiwasang hindi itanong sa isip ko.

Why. Francis? Why?

Ginawa ko na ang mga dapat gawin. Matapos ko maligo binuksan ko ang closet ko at dun nag-umpisang maghanap ng damit na masusuot.

Sinuot ko ang isang simpleng white dress at heels.

Humarap ako sa salamin at inumpisahang suklayin ang mahaba kong buhok. Naglagay din ako ng light make up.

Maganda nga ang suot ko, maayos ang itsura ko pero may mali. Kitang kita sa mukha ko ngayon ang lungkot at pagkadismaya.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng condo. Sumakay ako ng kotse at dumiretso ako sa mall.

May kailangan na muna akong bilhin.

Pumasok ako sa isang store kung saan nagpe-personalize ng mga gamit.

May pinagawa kasi ako doon na unan.

Dalawang unan. Ang isa ay may nakaburda na “Mr. Right” at ang isa naman ay may “Mrs. Right”

“Heto na po ma’am.” Sabi nung babae

“Salamat.”

“Ah ma’am. Kung hindi niyo ho mamasamain, bakit ho parang ang lungkot niyo?”

I just gave her a smile.

“Bayaran ko na to ha.” Kinuha ko na yung item at dumiretso sa cashier para magbayad.

Medium sized lang naman to at medyo mahirap din dalhin.

Pero mas mahirap dalhin ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong masasaktan ka lang.

Habang naglalakad ako nag-ring ang cellphone ko.

Pia calling…

“Hi bes!” bati ko.

“Wag kang pupunta.” She said in a commanding tone.

“Ha?”

This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon