DAAN PATUNGO SA PANGARAP

29 1 0
                                        

DAAN PATUNGO SA PANGARAP

Animo'y laruang papel na napahandusay sa kalsada ang katawan ng matanda.Natigilan si Derek sa pakikipag agawan ng baril,sa tauhan ng buwitreng lalaki.Agad na tinungo ang katawan ng matanda na ngayong nakahandusay at duguan sa putikan.Parang bumagal ang oras at tumigil ang lahat sa paligid nina Khalil at Derek.Nag uunahan ang mga luhang bumagsak sa pisngi ng dalawang binata at ngayon siyang bumabasa sa hapis na mukha ng kanilang lola Simang...

"Lola!"Palahaw ni Derek na tila gustong umabot sa dulo ng langit ang tinig.Agad na rumesponde ang mga pulis ngunit ito ay para lamang hawiin ang mga tao,ginagap ni Derek ang kamay ng matanda...Binuhat at tumatakbong isinakay sa traysikel na ngayon ay minamaneho ni Khalil.

Halos wala ng tinig sina Derek at Khalil sa pagtawag sa mga nurse at doktor sa ospital...

Ngayon ay nasa kama na ng ospital ang matanda.

"Khalil,si lola..." Wikang nanghihina ni Derek."Alam ko..."Nangingiinig at di mapakaling si Khalil."Khalil si lola!"Muli ni Derek.."Derek alam ko!"Ilang sandali pa ay lumabas na ang doktor...dala ang masamang balita."Ikinalulungkot ko..."Wika nito.Parang bumagsak ang buong mundo sa dalawa "Lola!"Sigaw ni Khalil na agad na tinungo ang matanda "Lola gising!gising Lola!"Habang humahagulgol...

Sa gitna ng lahat ay isang pamilyar na boses ang pumailanlang "Khalil Vera Perez" agad na naituon ni Khalil ang atensyon sa nagmamay-ari ng boses.ngunit bago pa man makalapit si Khalil ay naunahan na siya ni Derek.Isang punong puno ng galit na suntok ang humalik sa pisngi ng lalaki,ang lalaking buwitre! "Hayop ka!"Sigaw ni Derek.dali daling tinungo ni Khalil ang kapatid.inawat."Ipagpaumanhin po ninyo senyor Rodrigo ang kapatid ko." "Anak nang...tayo ang namatayan dito Khalil sa kagagawan ng demonyong yan!"Wika ni Derek."Ikinalulungkot ko ang nangyari bilang pakikiramay..."Sabay abot ng sobreng naglalaman ng halos di mabilang na salapi...Inabot ito ni Khalil.Ngunit agad na inagaw ni Derek ito at ibinato sa mukha ng lalaki."Mahirap kami oo.pero hindi kami nanghihingi ng limos ninyo kapalit ng buhay ng lola!"Pahayag nito.Ngunit pinulot ni Khalil ang mga ito..."Ipagpaumanhin senyor..." Si Khalil."Hindi na namin itutuloy ang demolisyon kung mananahimik kayo,lahat makikinabang hindi ba?"Pahayag ng senyor.Yun lang at tumalikod na ang senyor."Bakit ka pumayag?"Usig ni Derek "May ibang paraan pa Derek.Hindi ganito iton perang ito magagamit natin para mabago natin ang estado natin sa buhay,at pag ayos na ang lahat saka natin siya balikan..."Umiling si Derek."Hindi ko ipinagbibili ang prinsipyo ko."Sabay talikod...

Makalipas ang isang linggo...

"Khalil may sulat para sa iyo..."Humahangos si Sofia..Sabay abot ng liham sa tinuran.Dali dalin binasa ni Khalil ang liham."Anong sabi?"Nakangiting usisa ni Sofia."Scholarship Grant."Tuwang tuwang tugon ni Khalil."Kanino galing?"Tanong ni Sofia."Kay senyor Rodrigo Morales..."Tugon ng huli.Natigilan si Derek sa narinig saglit na sinalin ang tubig sa balde papunta sa drum.At padabog na binalibag ang balde.Lungkot ang bumalot sa mukha nina Sofia at Khalil.

Isang hapon...

Nag eensayo si Derek para sa turnament sa larangan ng boksing sa plaza...Isang hindi inaasahang bisita ang sa kanya ay bumisita,si Sofia...Iniabot ng huli ang tuwalya sa nauna."Derek,sa makalawa na ang alis ni Khalil para sa pag aaral niya,hindi pa ba kayo nagkakaayos?""Akala ko si Khalil ang abugado?bakit ikaw ang nandito?"Tugon ni Derek."Hinihintay ka lang ni Khalil,nang kapatid mo." "Wala akong kapatid na traydor.Pupunta siya sa America para magpakasasa at tuparin ang pangarap niya!para sa sarili niya at hindi para kay lola!Bakit sa makalawa pa?kahit ngayon kung gusto niya!""Derek,""Sofia.wala ako sa kondisyong makipagtalo!at ikaw halata namang kamping kampi ka sa kanya eh...bakit?kasi pinangakuan ka na niya ng kasal nabili ka na niya ha?bakit?pokpok ka ba ha?pokpok ka ba?!"Isang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ni Derek."Nandito ako para pag ayusin kayong dalawa,pero kung babastusin mo lang ako,kalimutan mo na lang na may kaibigan ka!"Yun lang at tumalikod na si Sofia.Naiwan si Derek na pinagsususuntok ang punching bag.Galit at pagkamuhi ang tanging nararamdaman ni Derek para kay Khalil.Ibig-ibig niyang gumanti sa pumatay sa kanyang pinakamamahal na lola Simang at nagpapalakas siya para dito.Para sa kanya isang malaking kalokohan ang gagawin ni Khalil.Sa isang banda alam din naman niyang kahit papaano ay makakatulong ang pagaaral ni Khalil para sa ika aangat ng estado ng kanilang pamumuhay,marahil ay natatakot lamang siya na maiwang mag isa at maagaw ng kapatid ang pinaka mamahal na si Sofia.

Isang supot ng biskwit ang iniabot ni Derek kay Khalil..."Tol,pasensya ka na,at ito lang ang nakayanan kong ipabaon sa iyo...baka magutom ka sa biyahe eh malayu layo yung Amerika dito."Napangiti si Khalil at inabot ang supot ng biskwit."Salamat tol!paborito ko to."At inakbayan ni Khalil si Derek at hinimas ang ulo na animoy ginulo ang buhok ng huli.Napayakap si Derek sa kapatid."Tol,malayo yun pag napatrobol ka wala ako dun para maging kasangga mo kaya mag iingat ka at wala tayong resbak dun!"Tuluyan ng pumatak ang luha sa mata ni Khalil."Sira ka talaga!tol alam ko medyo mahirap intindihin pero sa ngayon ito ang pinaka mabuti nating gagawin ang gamitin ang pera nila laban sa kanila!"Pahayag ng huli.Sa ganitong tagpo naabutan ni Sofia ang dalawa.Natutuwa siyang isipin na nagkasundo na ang dalawa sa kanilang mga layunin at alam niyang ito na ang simula ng panibagong buhay para sa kanilang lahat.

"Sa pagbalik ko magpapakasal na tayo at bubuo ng sariling pamilya.Mahal na mahal kita Sofia..."Pahayag ni Khalil."Mahal na mahal din kita maghihintay ako hanggang sa pagbabalik mo."Isang mariing halik ang pinagsaluhan ng dalawa ang pangako ng pag ibig na handang maghintay para sa araw ng katuparan nito...

Makalipas ang ilang buwan...

"Parang bising bisi tayo ha?"Bati ni Sofia."Eh,nag iipon ako para naman habang nanduon si Khalil eh mapag ipunan ko na yung talyer na itatayo ko at pati na din yung sa magiging opisina niya.Sorpresa ko yun wag mo munang babangitin kay Khalil ha?"Tugon ni Derek."Sige ba?baka pagbalik niya mayaman ka na.!"Biro pa ni Sofia nagkatawanan ang dalawa."Naku,baka mapasarap ang kwentuhan natin mauna na ako.Aling Dolores tuloy na po ako!""Sige,kaawaan ka nawa ng Diyos hijo!"Pagbibigay ng basbas ni Dolores.

Isang masukal na lugar at madilim na lugar ang tinungo ni Derek...isang bakla ang sumalubong sa kanya."Naku!naku! Late ka nanaman hala!sige humabol ka na sa VIP at nanduon na si Madam dali..."Dali-daling tumakbo si Derek.at pagbukas niya ng pintuan ng VIP room ay naruon na ang kanyang mga kasamahan na pawang mga naka under wear lang at agad niyang nakita ang isang babae...Mestiza at mukhang mayaman."Madam,ito pa si Derek ang bagong atraksyon ng bar ngayon!"Wika ng baklang nasa pintuan.Dagling sumulyap ang babae sa tinuaran."Derek,meet Madam Arabela!" "Ikinagagalak ko po kayong makilala ma'am..."Sabay abot ng kamay sa babae at hinalikan ang palad nito."Arabela.yan ang pangalan ko.tawagin mo na lang akong arabela."Wika nito habang nakangiti...

Sino si Arabela?

Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Derek?

Sa Piling KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon