SI DEREK AT ANG KANYANG PANGARAP

29 0 0
                                        

Maganda ang sikat ng araw ng umagang iyon sa kalangitan nag uunahang tumakbo at manguha ng kalakal sa tambakan sina Khalil,Sofia, at Derek.

"Derek kailangan nating makadelihensya ng marami rami ngayon para sa darating na pasukan."Wika ni Khalil. Habang tangan tangan ang sako na mamaya ay magsisilbing sisidlan ng kanilang pantawid gutom at kalauna'y sisidlan ng pantulay sa kanilang mga pangarap. "Hindi mo ako sintalino Khalil,pero balang araw gusto ko kayong ilayo ni lola simang dito sa tambakang ito.At magmamay-ari ako ng napaka laking gusali doon tayo titira ikaw,ako,at si lola." Si Derek habang namumulot ng kalakal."Eh pano mong gagawin yun eh hindi ka nga nag aaral?" Wika ni Sofia."Anu ka ba?maabilidad to no?mag aartista ako tapos sisikat ako at pag nangyari yun ikaw Sofia ang gusto kong ka-loveteam."Muli ni Derek sa tinig na animo'y natatanaw ang bukas.Si Sofia habang nangingiti..."Loveteam ka dyan ang mga artista mapuputi,mestiso at mestisa hindi tulad natin mga ulikbang anak araw." "Sofia hayaan mo na nga yang si Derek,basta ako magiging abugado para may taga pag tanggol kayo."Wika ni Khalil."Taga pag tanggol eh ang hina mo kaya sumuntok!"Pangangantiyaw ni Derek."Ewan ko sa inyo basta ako mag aasawa ng mayaman para makaalis na kami ni inay sa lugar na ito na pinagtambakan sa amin ng tatay kong kano."Pahayag ni Sofia."Totoo palang hindi lahat ng kano mapuputi ano?(Tawa)sige Sofia pag yumaman ako pakakasalan agad kita."Tugon ni Derek.

Iyon lang at nagpatuloy na ang tatlo sa pagpulot ng kalakal...

Pag-uwi sa bahay ay agad na sinalubong ng lola Simang nila sina Derek at Khalil.

Lumaking parang magkapatid na ang dalawang ulila silang pareho ng matagpuan ng kanilang lola Simang...Gumuho ang tambakan nuon at isa sa mga namatay sa trahedya ang mga magulang nila Derek at Khalil.Bagaman hindi magkadugo ay lumaking parang tunay silang magkapatid sa gabay ni lola Simang.Halos limang taong gulang lamang sila ng kupkupin ng matanda,ngayong kapwa nagbibinata na ang dalawa. "Kamusta na ang mga nagugwapuhan kong mga apo?"Salubong ng matanda.nagmano ang dalawa at kapwa nag abot ng salapi at pagkain."La,meron tayong lechong paksiw ngayon!"Pahayag ni Derek."Saan galing?"Usisa ng matanda."Naku!la,yang si Derek nililigawan nung may ari ng karinderya sa labasan."Tugon ni Khalil."Naku!lola,madami kaming nakolekta ni Khalil ngayong araw kaya ayan para sa kaarawan ng pinaka mamahal naming lola sa buong mundo!"Pahayag ni Derek."Happy Birthday! La!"Sabay yakap at halik ni Khalil. Tunay na mapagmahal ang dalawa at para sa kanila si Lola Simang ang kanilang SuperHERO.Masayang nagsalo salo ang tatlo sa hapag kainan...

"Ang swerte swerte ko talaga sa inyo mga apo ko.kayo ang mga kayamanan ko." "Ay syempre naman la.dahil kayo ang pinaka da best sa lahat ng mga da best!" "I love you lola!" Pahayag ng dalawa sa matanda.Iyon ay isa lamang sa masasayang sandali sa buhay ng maglolola.

Kinabukasan...

Nagising si Khalil sa dagundong ng kung anong sasakyan meron sa kalsada maging sa ingay ng mga tao sa labasan.Agad niya itong sinilip upang malaman."Lola!Derek! Gising!nagkakagulo sa labas!"Hiyaw ni Khalil. Dali-daling tumalima si Derek."Anak nang.,."Tanging nabanggit ni Derek.Malinaw ang nakikita nilang dalawa isang bulldozer at nagkakagulong mga tao ang senaryo sa may labasan."La!Madali kayo mukhang idedemolis na ngayon itong tambakan!"Si Derek.

"Magsilakas na kayo!!! Dahil ngayong araw na ito ay babawiin ko na ang lupang dapat sana'y matagal ko ng napakinabangan!" Tinig ng isang lalaking nasa mikropono.kasabay ng nagsisigawang mga tao.Madaling tinungo ni Khalil ang umpukan ng mga tao at agad na tinungo ang pakay ang nagsasalita."Sino ka?!"Si Khalil."Tinatanong mo ko?ako ang ngmamay-ari ng lupang tinatapakan mo!!ikaw hampas lupa sino kang sumisinghal sa akin?!"Ang lalaking ma tabako naka suot ng magarang sumbrero at malaki ang tiyan."Ikaw ba ang lider ng grupong ito?"Hindi agad naka pagsalita si Khalil."Senyor kung tunay ngang ikaw ay nagmamay-ari ng lupang ito nasaan ang katibayan?"Usisa ni Khalil."Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo!ang gusto koy lumayas kayo dito ngayon din!"Madilim ang mukha ng lalaking mukhang buwitre!"Hindi kami aalis dito ng wala kaming relokasyon!"Si Khalil pa din."Tama!"Pag ayuda ng mga taong bayan."Mga hangal!wala akong ibibigay ni singko sa inyo mahigit 20 taon kayong nasa lupa ko manghihingi pa kayo?!""Hindi iyan ang nasa kasunduan namin nila mayor!at may karapatan kami bilang mga tao!"Sabad ni Derek habang akay akay si lola Simang."Kahit palugit lamang sanay naabisuhan kami."Si Dolores ,ang ina ni Sofia."Abiso?!"Sa tinig na nangiinsulto."Hindi yan kailangan magsilayas kayo o gigibain namin lahat ito kasama ng mga buhay niyooo!!!"Yun ang huling salitang narinig sa buong paligid at tuluyan ng nagka gulo.Lumusob ang taong bayan patungo sa mga taong nagtatangkang magdemolis ng tambakan!Nagpaputok ang ang mga tauhan ng lalaking buwitre!!!lalong nagkagulo "Lola Simang!!!"Ang hiyaw ni Sofia...

Ano ang magaganap sa gitna ng kaguluhan?matuloy kaya ang demolisyon?

Sa Piling KoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon