Perfume
Tahimik na ang paligid, ngunit hindi ang aking isipan. Nakahiga ako sa sofa, balot ng kumot habang nakatutok sa pinapanood.
Bumungad ang bride at groom na may malalaking ngiti habang nagbibigayan ng wedding vows. Sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw, halata ang labis nilang kasiyahan.
"Sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya..."
Napangiti ako.
Ganitong-ganito ang pangarap kong kasal. 'Yong genuine, walang halong duda. 'Yong tipong sigurado ka na sa taong pinili mo, at sigurado rin siya sa 'yo.
Ang saya siguro ng gano'n?
Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang mahihinang katok sa pinto. Kinabahan ako saglit, pero nang sipatin ko sa peephole, agad akong napabuntong-hininga.
Si Delight.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha niyang mukhang pagod pero puno ng excitement. Naka-oversized hoodie siya at pajama, parang galing lang sa bahay.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko, kumunot noo naman siya agad.
"Tinatanong pa ba 'yan?" sagot niya habang pumasok na parang pagmamay-ari niya ang bahay ko. "Wedding movie?"
Sinara ko ang pinto at bumalik sa sofa, kasunod siya. "Yap, nagpapaantok lang." sagot ko bago tinaktak ang kumot para bigyan siya ng space.
"Magkuwento ka na, makikinig ako."
Napalunok ako sa tanong niya. "H-ha?"
"H-ha?" Pag-uulit niya sa sinabi ko.
Alam na alam niya talaga kung kailan ko siya kailangan.
"Nagparamdam nanaman sa akin 'yong jowa mo," aniya habang binubuksan ang inumin. "Nagpapatulong. Ano ba namang lalaki 'yon? Alam kung paano ka saktan pero hindi alam kung paano ka paamuhin. Tsk."
Napailing ako at pinilit ngumiti. "Wag mong intindihin 'yon, ayos lang kami-"
"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling?
Lumingon siya sa akin, kita ang inis sa kaniyang mukha bago huminga nang malalim.
Natahimik ako. Hindi ko naman talaga siya maloloko.
Ang bigat sa dibdib ko. Parang ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano sisimulan.
"No'ng nakita ko siya, doon ko na-realize," bulong ko, habang nakatingin sa screen pero hindi ko na iniintindi ang pelikula. "He wasn't the same guy I trusted. Why did he become the guy that I told him I don't like? Nasa akin ba 'yong mali?"
Walang sabi-sabing inilapit ni Delight ang inumin sa akin, para bang sinasabing, uminom ka muna, baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo. Kinuha ko iyon at dahan-dahang tinungga.
"I just wanna run away from this cruel reality," mahina kong sabi, pilit na pinipigilan ang luhang namumuo sa mata ko.
She chuckled. Hindi malakas, pero may halong pang-aasar. "That's all you can do? Run from all of your shit in life?"
Tumingin ako sa kaniya, kunot-noo.
"Hindi yata ikaw si Loria kung gano'n," dagdag niya, sabay irap na parang ang bobo ko.
Napangiti ako kahit papaano. Si Delight talaga, kahit anong lungkot ko, may paraan siyang iparamdam na hindi ako nag-iisa.
"Kung tatakbo ka, saan ka pupunta?" tanong niya bigla.
Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung paano ako magsisimula, o kung ano ang gagawin ko.
Pero ang alam ko lang sa ngayon, nandito siya. At sa kahit anong mangyari, hindi niya ako iiwan.
"Imagine a perfume bottle. If it breaks, the smell becomes strong, but it's the last time you'll smell it."
Napatinging muli ako sa kaniya. Hindi ko alam kung saan siya papunta, pero alam kong may ibig siyang sabihin.
"Parang relasyon niyo," dagdag niya, hindi tumitingin sa akin. "Ang tibay niya dati. Pero nung nabasag, naging mas matapang 'yong nararamdaman mo-galit, lungkot, panghihinayang. Pero after that?"
Tahimik akong napalunok.
"Maglalaho rin," she continued, crossing her arms. "Akala mo lang hindi, kasi ngayon lang siya malakas. Pero eventually, mawawala rin 'yong amoy. Wala na ring matitira."
Hinayaan kong lumubog sa akin ang sinabi niya. Parang ang daming bigat na bumagsak sa balikat ko sa isang iglap.
"Kahit pa lumaban ako? Gano'n lang ba talaga 'yon?" mahina kong tanong.
"Hindi naman," sagot niya, this time tumingin na siya sa akin. "Pero minsan, the more you try to hold on to a broken bottle, the more you hurt yourself. Mas gusto mo bang ipagpilitan pa? Kahit ang kapalit ay mas maraming sugat?"
Napayuko ako, pinaglalaruan ang takip ng bote sa kamay ko.
"Alam mo, Loria," she sighed, resting her head sa sofa. "Wala naman talagang tamang sagot. Pero kung ako ikaw... hahayaan ko na lang 'yong amoy na mawala nang kusa."
Napatingin ako sa kaniya, kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kahit na mukha siyang relaxed.
"Hindi ibig sabihin na hindi ka nasaktan, hindi mo minahal," she added softly. "Pero baka kasi hindi na worth it na dumampot ng basag na bote. Baka oras na para bumili ng bago."
Natahimik ako. Pero sa loob-loob ko, alam kong may punto siya.
YOU ARE READING
A Thousand Second Chances
Teen FictionNormal bang kalimutan ang salitang paalam sa tuwing nasa bingit na ako ng pagbitaw ngunit nand'yan ka nanaman? People say that in every ending there's always a new beginning. But why is it that every time I try to end things, nothing seems to change...
