Kabanata 1

24 1 0
                                        

Coffee

"Hot latte with 5 shots of espresso for Ms. Loria!"

Nabalik ako sa huwisyo nang tawagin ako ng barista. Agad akong tumayo para kuhanin iyon.

"Ayos ka lang ba ma'am?"

Naguluhan pa ako noong una, pero ng mapagtanto ko kung ano ang pinupunto niya, ay tumango ako.

"Mga limang araw lang naman siguro akong gising dito." Biro ko pa at iniangat ang kape pagkatapos ay ngumiti na lamang sa kaniya bago ko lisanin ang lugar.

Ramdaman ko pa rin ang init ng kape sa palad ko habang naglalakad palabas ng coffee shop. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Paulit-ulit na lang.

Parang itong kape—mainit pero mapait. Pilit kong tinatanggap kahit alam kong nasusunog na ang dila ko. Ganito yata talaga kapag mahal mo ang isang tao, go pa rin kahit unti-unti ka nang nauubos.

Pagdating ko sa parking lot, binuksan ko ang telepono ko. Doon ko nakita ang hindi mabilang na missed calls at messages ni Huey.

"Love, mag-usap tayo, please. I'm sorry, okay? Ayusin na natin 'to."

Ang huli niyang mensahe ang nagpatigil sa akin. "Ayusin natin 'to." Lagi namang gano'n. Lagi niyang sinasabi iyon, pero kailan ba talaga naging maayos?

Pinunasan ko ang gilid ng mata ko. Gusto ko nang sumuko, pero bakit parang ang hirap? Parang ang bigat bitawan ng isang taong paulit-ulit kang nasasaktan, pero paulit-ulit mo ring minamahal.

Sumakay ako sa kotse. Habang iniinom ang kape, pumasok sa isip ko ang mga pagkakataong sinabi kong, "Tama na, sarili ko naman." Pero pagkatapos ng ilang araw o linggo, ako rin naman ang bumabalik. Laging may dahilan. Laging may paliwanag. Laging may pangakong, "Babalik din siya. 'Yong dating siya na takot na masaktan ako."

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang dumaan ang notification sa telepono ko. Tumatawag siya. Tumigil ako sa paghinga bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?" malamig kong sagot.

"Nasaan ka?" May pag-aalala sa boses niya.

"Nasa labas," sagot ko, pilit pinapanatili ang lamig sa boses ko.

"Look, I know that you're hurt. I'm sorry Loria, Babawi ako."

Binitiwan ko ang isang mapait na ngiti. "Bumabawi ka naman talaga pagkatapos ng away, pero kailangan ba muna talagang mag-away tayo bago mo ma-realize, Huey? Tapos uulitin mo ulit kapag kampante ka na."

Tahimik siya sa kabilang linya. Para bang hindi niya alam ang isasagot.

"Huey," mahinahon kong sabi. "Pagod na ako."

"Pagod ka? Ako rin, pero hindi ba't mahal natin ang isa't isa?"

Mahal. Nakakatawang pakinggan ang salitang iyon mula sa kaniya. Mahal ba talaga kung paulit-ulit akong sinisira? Mahal ba talaga kung pakiramdam ko hindi ako sapat?

Tahimik akong nagmaneho pauwi, pero sa loob-loob ko, may giyera. Gusto kong bumalik, pero gusto ko ring tapusin na ang lahat.

Pagkarating ko sa bahay, nakita ko siyang naghihintay sa tapat ng pintuan. Namumula ang mga mata niya, mukhang umiyak siya.

"P'wede ba tayong mag-usap?" tanong niya, puno ng pakiusap ang boses niya.

Tumingin ako sa kaniya, hawak pa rin ang laman ng baso kong kape—maligamgam na, pero hindi pa rin nawawala ang pait.

Parang kami.

"Look," sabi ko habang inilapag ang kape sa mesa. "I just wanted to know—hanggang kailan ba dapat masaktan ang isang tao para lang masabi niyang mahal pa rin niya?"

Natigilan siya. At sa unang pagkakataon, nakita kong hindi niya alam ang sagot.


A Thousand Second ChancesWhere stories live. Discover now