Three: Awaken his Innocence (Unedited)SPG

26K 759 47
                                    

"DRACULA? Ikaw ba 'yan?" nakakalokong tanong ni Karen kay Trivor.

Inis na inis si Trivor. Kanina pa niya ito pinagmamasdan magmula nang makita niya ito sa bar counter. Naroroon siya upang manmanan ang isang bampira na naghahanap ng mabibiktimang babae. Hindi niya inaasahan na may plano palang magpakamatay ang baliw na pinsan ni Martina. Pikang-pika na siya rito noong isang araw pa. Naiinis siya dahil nagkakaganoon ito dahil lang sa lalaki. Ayaw na ayaw pa naman niyang nakakakita ng babaeng nasasaktan.

"Let's go home," aniya.

Nagpumiglas ito ngunit hindi niya binitawan ang braso nito. Mukhang hindi naman ito lasing dahil nang pansinin niya kanina ay ilang shot lang ito ng tequila. Imposibleng tinamaan kaagad ito.

"Teka, sino ka ba para pauwiin ako, ha? Hoy, Bampira!" anito. Dinutdot nito ang dibdib niya.

Napapalinga siya sa paligid kung saan may mga taong nakamasid sa kanila. Nababalisa siya sa isiping may maniwala na bampira siya. Kinaladkad niya si Karen ngunit umupo ito sa sahig. Naglambitin ito sa braso niya. Natatanggal na ang isang pares ng suot nitong puting sapatos. Ni hindi pa ito nagbihis, nakauniporme pa rin ito ng nurse. Sabog-sabog na ang buhok nito.

Nang hindi pa rin ito tumayo ay marahas na binuhat niya ito. Nagwawala ito, pero tudo yakap naman sa kanya.

"Ibaba mo ako! Walang-hiya ka!" protesta nito.

Pagdating sa baba ng bar ay nagulat siya nang dumampot ito ng isang bote ng tequila na nakapatong sa serving tray na dala ng waiter na nakasalubong nila. Tinungga nito ang laman ng bote habang karga niya ito palabas ng bar.

"Shit!" bulalas niya. Hindi niya magawang agawin ang bote sa kamay nito dahil dalawang kamay niya ang may karga sa malikot nitong katawan.

Hindi siya makapaniwala. Halos nakalahati nito ang laman ng bote. Aywan niya lang kung hindi ito tuluyang malasing sa ginagawa nito. Pagkuway inhagis nito ang may laman pang bote ng tequila sa kalsada.

Pagdating sa garahe ay talimang binuksan niya ang pinto sa passenger seat ng kotse niya saka sapilitang isinalpak sa loob ang baliw na babae. Pumapalatak ito. Ini-lock muna niya ang pinto saka bumalik sa loob ng bar at binayaran ang damage ni Karen.

Pagbalik niya'y tahimik na ang babae. Nakahilig na ang ulo nito sa sandalan ng upuan. Alam niyang gising pa rin ito dahil bahagyang nakamulat ang mga mata nito.

"Saan ka tumutuloy?" tanong niya nang makaupo na siya sa tapat ng manobela.

"Basta mag-drive ka, ituturo ko kung saan," anito.

Hindi na siya umimik. Nagmaneho siya. Sinusunod lamang niya ang itinuturo nitong daan.

"Room ten," anito nang akay na niya ito paakyat sa tatlong palapag na apartment sa likod lamang ng General Ospital.

Nararamdaman niya na tuluyan na itong tinamaan ng kalasingan dahil halos hindi na nito maituwid ang mga tuhod. Hinagilap niya sa bag nito ang susi ng unit nito. Pagkuwa'y apurang binuksan niya ang pinto. Nakaluklok lang sa sahig si Karen. Kinailangan pa niya itong buhatin para lang makapasok ito. Dinala niya ito hanggang sa kuwarto nito.

Nang ihiga na niya ito sa kama ay saka naman ito nagpumiglas. Nagsisigaw ito. "May araw din kayong mga manlolokong lalaki kayo!" anito.

Pagkalapag niya rito sa kama ay nagulat siya nang hawakan nito ang kanang braso niya saka siya hinila palapit rito. Nawalan siya ng panimbang. Nadapa siya sa ibabaw nito. Ang mga mukha nila'y wala na halos pagitan. Tinitigan niya ang mga mata nitong namumungay. May kung anong kumurot sa matigas niyang puso nang masilayan ang maninipis na luhang naglalandas sa makikinis nitong pisngi. Hindi niya napansin ang kamay nito na unti-unting ibinababa ang zipper ng suot niyang jacket.

Sangre 3: Trivor Davis, My Dark HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon