Prologue

412 2 0
                                    


"LAWIS... Please remember..."

Sino 'yon? Kanino nanggagaling ang tumatangis na tinig na iyon?

Mabigat ang talukap ng kaniyang mga mata. Gusto niyang idilat ang mga iyon upang makita kung sino ang tumatawag sa kaniyang pangalan na puno ng pagtangis. Subalit tila nakapako na ang mga iyon sa pagkakasara.

"Law, come back... it's me..."

The voice sounded painfully familiar. As if he was accustomed to hearing that voice everyday of his life. Bakit hindi niya maalala?

A silhouette of a woman was slowly walking away from him. Isang bulto ng babaeng tila matagal na niyang hinahabol. Sino iyon?

"Lawis... Lawis."

Napadilat si Lawis. Napagtantong nakasubsob siya sa isang puting lamesa at marahang tumunghay.

Noong una ay isang napakatinding liwanag ang sumalubong sa kaniyang namumungay pang mga mata. Nang masanay sa liwanag ay tumambad sa kanya ang inang si Donita.

"Gising ka na?" tanong nito.

He heard a voice calling his name like his mother but it was different. O meron nga ba?

Nanunuyo ang lalamunan niya. Subalit imbes na humingi ng tubig ay iba ang namutawi sa kaniyang bibig. "Nasaan si... Nasaan si..?" Sino nga ba ang hinahanap niya? "Kayo lang ang... nandito?"

"At si Cleo," sagot ng ina. "Pero inutusan ko munang magbayad ng bill ang kapatid mo. Hinihintay ko nga lang na magising ka at uuwi na tayo. May kailangan ka ba, anak? Ano'ng nararamdaman mo?"

Ano na nga ang hinahanap niya sa ina? Nanunuyo ang lalamunan niya. "Tubig..."

Nang abutan siya ng tubig ng ina ay mabilis siyang lumagok doon. Habang ang mga mata ay gumala sa loob ng silid.

Alam ni Lawis na nasa ospital siya. May isang linggo na siyang nandoon dahil sa isang aksidenteng hindi niya maalala. Ipinaliwanag na ng doktor na nakausap nila ng ina na normal lamang na hindi niya maalala agad ang nangyaring aksidente.

Ayon sa mga ito, naaksidente ang sasakyang minamaneho niya. No one saw what exactly happened. He got bruises and hemorrhage, but miraculously, nothing more than that.

That was a week ago. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maalala ni Lawis kung ano ang nangyari nang araw na maaksidente siya. At kung bakit siya naaksidente. O kung saan siya papunta ng araw na iyon.

Nalaman ni Lawis na nanghiram pa siya ng kotse sa isang kaibigan. Subalit ano ang mahalagang pupuntahan niya na kinailangan pa niyang manghiram ng sasakyan?

"Tulog ka nang tulog," maya-maya ay wika ng ina. "Nagusot na tuloy ang damit mo. Tumayo ka na at paalis na tayo."

Pinaraanan ni Lawis ng palad ang bahagyang nagusot na damit subalit nanatiling nakaupo sa gilid ng kama. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya pagkatapos makapagpalit ng damit sa paghahandang makauwi. Siguro ay dahil sa preskong hanging pumapasok mula sa bukas na bintana sa kaniyang gilid.

Nakatanaw si Lawis sa labas ng bintana nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sabay pa sila ni Donita na lumingon doon, iniisip na si Cleo na ang dumating. Subalit hindi ang kapatid ang bumuglaw sa kanila.

It was a girl he didn't know. Wait. Didn't he know this girl? Bakit tila pamilyar ito? Naglakad ang babae palapit sa kinauupuan niyang kama. Her unique scent reached his nose and had this weird thought how familiar it was.

Now that she was close, Lawis noticed that, despite the smile on her face, the stranger's eyes were a bit... lonely as she looked at him.

Nakatutok ang buong atensyon ng babae sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanang kamay niya. At bahagya siyang napakislot sa init na hatid ng kamay nito sa kanya.

Ang sunod nitong sinabi ay halos nagpatalon sa kaniyang puso.

"Every day, I'm going to be in love. I won't stop loving you. It's a promise. I will always wait for you, Law. So please hurry back to me."

Isang malaking tandang pananong ang marahil ay nakaguhit sa kaniyang mukha. Subalit nanatiling kalmado ang babae sa kabila ng reaksyon niya.

Lilipas ang panahon at ang kakaibang pangyayaring iyon sa buhay ni Lawis ay ni hindi niya maaalala. At iyon ang malaking pagkakamali niya.

POTIONS 04: WITCHING HOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon