One summer morning...
NAGDILAT si Lawis ng mga mata. Ang unang bagay na tumambad sa kanya ay ang nakalaylay niyang braso sa gilid ng kama hawak ang isang lumang mobile phone. Dinidilaan ng alaga niyang asong si Peachy ang kamay na iyon. Ito marahil ang gumising sa kanya.
Pagkatapos ay ang tumutunog na ringing tone ng kaniyang cell phone, the other one on top of his bedside table. Kaya marahil hindi mapakali ang alaga niyang aso. Iyon ang tuluyang nagpagising sa kanya.
Iginalaw niya ang braso kaya napaatras si Peachy at pinanood ang pagbangon niya. Pagkatapos ipunas sa damit ang basang kamay at mobile phone dahil sa laway ni Peachy ay saka lamang niya sinagot ang tawag. "This better be good," sagot niya sa inaantok pang tinig.
Alas-otso na ayon sa relo sa ibabaw ng kaniyang bedside table. Nagtataka pa rin subalit hindi na nagugulat si Lawis nang mapansing suot pa rin ang sapatos kahit sa pagtulog. Dumiretso na siya palabas ng silid. Sumabay sa paglalakad niya palabas ng silid si Peachy.
"Oh, this is good. Trust me," sarkastikong wika ng nasa kabilang linya. Nang tingnan ni Lawis kung sino ang caller ay napangiwi siya at tuluyan nang nagising.
"I know," sansala agad ni Lawis bago pa siya tadtarin ng tanong ni Kevin. "Natapos ko na ang kanta. All I had to do is to send the demo, right?"
Kevin was a high school friend and classmate. Miyembro si Kevin ng bandang TRaXX at ngayon ay naghahanap ng kanta para sa pinaplanong bagong album ng banda. Tinawagan siya ng kaibigan nang nakaraang buwan upang alukin ng trabaho. Gusto nitong sumulat siya ng mga dalawa o tatlong kanta para sa bagong album ng TRaXX.
His regular job was to score music for films and write jingles for commercials. Affiliated siya hindi lamang sa iisang advertising company. Kaya matagal-tagal na rin ang panahon nang huling magsulat siya ng single. Tuloy ay parang kinakalawang na siya sa pagsusulat ng lyrics at music na themed for an album single. Ngayon na lamang ulit siya makakapagsulat ng kanta para isama sa isang album.
"So you're done with the songs?" napalitan ng excitement ang sarkasmo sa tinig nito.
"Just the one," sagot niya. "You want to hear it?"
"Next week, dalhin mo ang demo. The band wanted to see you," he said.
"Right," sagot niya. Nang meron siyang maalala. "Ah, wait. I have a request. At pakisabi na rin kina Colt."
Matapos sabihin sa kaibigan ang hiling ay pinutol na ni Lawis ang tawag.
The morning went by smoothly. Pinakain niya ng agahan si Peachy. Sumilip sa recording studio ng kaniyang bahay para i-record ang katatapos lamang isulat na kanta ng nagdaang gabi na ipaparinig kina Kevin.
It was a very normal beginning of a day for him. But truthfully, to Lawis it felt strange. Namamalayan niya ang sariling natitigilan habang iniisip ang nangyari nang nagdaang gabi.
Well, nothing really did happen. But somehow, it felt like something did. It must have been another dream.
Palagi siyang may napapanaginipan. Kaya lang, kapag nagigising na siya sa umaga ay nakakalimutan na niya kung ano ang panaginip na iyon. Pero kahit na hindi niya iyon natatandaan, sigurado si Lawis na pare-pareho ang nangyayari sa panaginip. Somehow, it felt that way.
May nawawalang bahagi sa kaibuturan niya na tila sa panaginip lamang na iyon napupunan. At kapag nagising na siya sa umaga ay nagiging bakante na naman.
His life was just like that. A constant search for something that can only be filled in a dream that he couldn't even remember.
Napatingin si Lawis sa katapat na tindahan nang mailagay ang garbage bag malapit sa posteng katapat ng kaniyang bahay dahil oras na noon ng pagdaan ng truck ng basura. Nakasunod sa kanya ang alaga.