The same day that summer...
"KUYA! Nandito na 'ko!"
"Sa basement!" sigaw ni Lawis nang marinig ang pagtawag ng nakababatang kapatid na si Cleo.
Narinig ni Lawis ang mga hakbang ng kapatid pababa ng basement. Nalingunan niya itong bitbit ang kahong pinadala niya mula sa bahay ni Nanay.
"Ilagay mo na lang d'yan sa isang tabi," utos niya sa kapatid. At muli nang hinarap ang pagpipinta sa katatapos lamang gawing picture frame. Siya mismo ang nagdisenyo niyon.
If he wasn't composing, he was camping in his basement and making these kinds of trinkents. Madalas niyang gawin iyon kapag may malalim siyang iniisip.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?" narinig niyang tanong ni Cleo. Naramdaman niyang nakisilip ito sa itaas ng kaniyang balikat upang tingnan ang kaniyang ginagawa.
"Ano sa tingin mo?" tanong niya sa kapatid.
"It's pretty," sagot ng tinig na hindi pamilyar sa kanya.
Nagulat, napalingon si Lawis.
Isang babaeng hindi niya nakikilala ang nakikiusyoso sa kaniyang ginagawa. Agad na napaatras si Lawis nang mapansin kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't isa. Natabig pa ng tagiliran niya ang sulok ng lamesa sa pag-atras at bahagya siyang napangiwi sa sakit.
Kita ni Lawis ang lihim na pagtawa sa mga mata ng babae. "Hi," bati nito.
Tiniis ni Lawis ang nararamdamang sakit at pinigilan ang sariling ngumiwi. "Hi," bati rin niya rito. "You are?"
"Kenna," pakilala nito sa sarili.
"Kasamahan ko sa trabaho. Kasama ko siya sa bahay no'ng tumawag ka," singit ng tinig ni Cleo na nasilip niyang kinakalkal ang laman ng kahon niya. Lumapit na ito sa kanila at sinilip din ang frame na ginagawa niya. "Para saan pala ang laman ng kahon? Puro mga lumang gamit mo lang naman ang nandoon."
"May hinahanap kasi ako," sagot niya.
Si Kenna ang nagtanong. "Ano naman?"
Napakamot siya sa gilid ng kaniyang baba at nagkibit ng mga balikat. "Hindi ko alam," seryoso niyang sabi.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kapatid. Sanay na si Lawis sa ganoong reaksyon ng kapatid sa tuwing babanggitin niya ang tungkol sa bagay na iyon na naiwala niya at patuloy na hinahanap sa mga luma niyang gamit. Ang tanging nasa isip niya, na kailangan niyang mahanap ang bagay na iyon kahit ano ang mangyari.
"Hindi mo alam kung ano ang hinahanap mo?" seryoso ring tanong ni Kenna.
"It's something I've lost," katwiran niya. "And I have a feeling I needed to find it."
"It must have been important," ani Kenna. Sabay pa silang napalingong magkapatid sa babae. "If you don't know what it is yet still felt it missing, it could only be something that has a huge weight in your life."
Lawis was amazed at how this woman can see through him. Nabuod nito sa isang pangungusap lamang ang kabuoan ng nararamdaman niya.
"If it's lost then it must be not meant to be," singit ng tinig ni Cleo. At nagbago rin ang ekspresyon ng mukha nito. Tumigas iyon.
Hindi iniiwas ni Lawis ang tingin dito. Cleo would never understand. Whatever it was that he lost, he wanted to find it. He needed to find it.
"It's in the effort of people if things are meant for them," singit din naman ni Kenna. "At least that's what I think," nakangiting dagdag pa ng babae.
