Ako Si Hale.
Idineklara akong 'Badass King' kung tawagin sa St. Gabriel's School.Basagulero.Mafia member.Fraternity Member.Sorority member etc.Ang school kasi namin na St.Gabriel's School ay tinaguriang 'School of The Gangsters' kuno.Yung fraternity at sorority ay ako ang namumuno kasi nga 'Badass King' yung mafia? Si Mr.Chen ang namumuno slash Mafia King sa mafia na kinabibilangan ko,isa lang akong Mafia Prince ng Chen Mafia Crest at yung iba kong mga kaibigan ay reaper lang,sila Auel,Alexander at Aaron ay Mafia Prince din.
Dati (6 years old pa lang ako) ay sinabi ng aking mga magulang na naka-ARRANGE MARRIAGE ako sa nawawalang anak na babae ni Mr.Chen.Noong una hindi ako naniniwala kasi malay mo patay na talaga yung anak nilang si Aria at hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap sakanya.Minsan naiinggit ako kay Aria,siya nawawala pero grabe ang pamilya Chen sa paghahanap sakanya at kahit na wala siya ay minamahal pa rin siya ng mga magulang niya.Eh ako? Nandito pero para lang akong hangin para sa mga magulang ko,buti pa si Aria kahit na wala siya sa tabi ng mga Chen minamahal pa rin siya ng mga magulang at mga kapatid niya.Ako? Eto ni hindi ko man lang maramdaman ang pagmamahal ng mga magulang ko para saken.Buti pa siya hindi sinusukuan ng mga magulang niya.Ako? eto parang matagal ng sinukuan,minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung ampon lang ba ako dahil kung tratuhin nila ako parang hindi nila ako kaano-ano.Hanggang ngayon pa rin ba sinisisi nila ako sa pagkawala ni Kuya Homer? Kasalanan ko ba na palabas-labas siya nung umuulan kaya siya natamaan ng kidlat? Kasalanan ko ba na laboy siya eh ako yung mas bata at sya yung mas matanda at nakakaintindi bakit nila ako sinisisi? Para tuloy akong insecured brat.
*FLASHBACK*
Dahil sa sinabi ng mga magulang ko tumakbo ako palabas at nagpunta ng playground,nang makapunta na ako sa playground ay umupo ako sa swing at doon umiyak.
"Hoy bata!umiiyak ka ba?"tanong nung babaeng bata yata.
"Hindi ba halata?"pagsusungit ko.
"Ang sungit mo naman! tinatanong ka lang eh! eto panyo oh."sabi niya,ang kulit nitong batang 'to ah! hindi ba niya nahahalata na ayaw ko siyang kausapin?! Nakakabadtrip ah!
"Doon ka na! Hindi naman kita bati eh! Atsaka baka mamaya stranger ka! I don't talk to stangers!"sabi ko.
"Pero kinakausap mo na ako."sagot niya.
"Oo nga nuh.Ang tanga ko!"sigaw ko.
Inangat ko na ang ulo ko at nakita ko si stranger-------HALA! ANG GANDA NIYA!!!!
Biglang nag-play sa utak ko yung kanta ni Yeng Constantino na "IKAW"
Bakit parang nag-slow motion ang lahat?
At bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
Ano 'to love at first sight?
Hindi,walang ganoon.
"*snap* Uy Bata! Bakit tulala ka?"tanong niya saken.
"Ha?"tanong ko.
"Ang sabi ko,bakit tulala ka?"tanong niya ulit saken.
"Wala."sagot ko.
"Ano nga palang pangalan mo?"tanong niya.
"Secret,pero pwede mo akong tawagin na Jayjay."sabi ko.
"Ah."sabi niya.
"Ikaw anong pangalan mo?"tanong ko.
"Anna."sagot niya.
"Jayjay,ilang taon ka na nga pala?"tanong ni Anna.
"6,ikaw?"tanong ko.
"Ay,ang tanda mo na pala eh ako 5 pa lang eh."sabi niya.
BINABASA MO ANG
389124815154 2152561895144389124815154 2152561895144
NonfiksiKwento ng buhay ng isang lalake mula ng makilala niya si @ARIA_VIOLETTA.