Chapter 3

3 0 0
                                    

KINABUKASAN

"BOYFRIEND FOR HIRE!!!! BOYFRIEND FOR HIRE!!! KUNG SINO MAN ANG GUSTONG MAGING BOYFRIEND KO LAPIT LANG KAYO DITO!!

BOYFRIEND FOR HIRE!! BOYFRIEN FOR HIRE!!"

sigaw ko, andito ako ngyon sa school namin, at naghahanap ako ng boyfriend ayoko ngang magpasakal dun sa mapapangasawa ko

may lumapit sa akin.. ang gwapo..

"ah miss mag-aaply sana ako dyan, may sss ba dyan tsaka phil-health? eh pag-ibig??"

tanong nya

"ah-eh yung sss at phil-health wala pero pag-ibig, meron ^^."

sabi ko, omegas.. ang pogi nakakatempt

"eh magkano sweldo?"

"100 isang araw.. magpapakilala ka lang naman kay tatay bilang bf ko eh, yun lang ^^."

pumuyag ka pumayag ka sige na sige na pumayag ka na please lang pumayag ka na..

"naku lugi ako dyan, tsk wag nalang miss cge ba-bye!" tapos tumakbo na siya palayo

"ah teka!! dadag-dagan ko nalang oy!!! pogi!! " kaso wala na

"bwisit sana pala sinabi ko nalang na isang libo isang araw, urgh! sayang!!"

"ah miss.. magkano sweldo dyan?" tanong nung----ah eh no comment

"para sayo? 50 isang araw nalang hehe,"

"sabi mo kanina isang libo? bakit naging 50 nalang?" -tanong nya sa akin

"kasi... ah-eh next!!"

hard na kung hard ah basta, kung magkakaboyfriend lang din naman ako gusto kung pogi na

"miss, magkano sahod?" -siya

"para sa,yo? uh mga nasa 75 isang araw," -ako

"nu bayan ang baba naman.." -angal nya

"atleast ako ang magiging girlfriend mo. partida na yun"

"tss.. choosy ako " -siya, tapos naglakad na siya paalis

"tsssss... ang gwapo mo! nakakahiya naman sa'yo, uwi! hindi ka pa nagsasaing sa inyo, gutom na yung mga alaga nyong baboy oy!!" sigaw ko sa kanya

"next!!!" - yung sumunod naman ... nevermind

"ako miss, mag-aaply kahit wala ng sahod ok lang,"

"talaga? sige na nga ikaw na, mapagtyatyagan ka na," - wala ng kasunod eh

"seryoso ka miss? tayo na? yun oh! may girlfriend na ako, yes! ahahah.. i love you beh" sabay yakap sa akin

"beh? he-he-he.. ahahha.. pero bago yun mag matternaty leave ka muna ha?, balik ka nalang after 3 years, oo, kumuha ka narin ng police clearance,

brgy. clearance, NBI, afidavit of loss, ticket sa bus, bill ng water district tsaka meralco, tapos gumawa ka na rin ng bio-data at resume ah?? sige"

"after 3 yrs? sige. pero tayo parin??" tanong nya

"oo tayo parin"

paalis na sana ako..

pero may humabol ang pogi, may hitsura naks.. ayos toh

"miss magkano arawan dyan?"

"para sayo uhmm.. 500" -ako

"uhh.. pedeng taasan mo pa? gusto ko yung may libo sa huli" sabi nya

"sige kalahati ng isang libo, ano? ayos na??" -ako, sana mauto ko toh

"sige, sige call," -siya

what? eto tanga rin pala neto eh? pareho lang naman yun ahahah.. yaan mo na nga sayang pagpinakawalan ko pa

"sige, i'm yumi alvarez but you can call me your's ^^. sa sunday 4 pm kita tau sa bahay eto address namin" tapos inabot ko yung papel tsaka kinuha

ko yung number nya

yey! may bf na ako

--------- sunday 4:15 pm-----

"hello! asan kana?" tanong ko dun sa fake bf ko, kausap ko siya sa phone ang tagal kasi 15 mins. late?

"ayoko na!" -siya

"ano? teka lang, pero bakit?" -ako

"ayoko na, mag-reresign na ako" -siya

"bakit ngayon pa kung kelan, naman! urgh!! " -ako

"ayoko na! alam kong tayo, pero bakit mo ako niloko??" -siya

"niloko? niloko ka dyan! ang drama mo! bakit ba?" -ako

"ngayon alam ko na, na ang 'kalahati ng isang libo' at '500' ay iisa kaya ayoko na!!! " -siya

"ano??? walanjo, osya sige dadag-----toot tooot tooot"

"aaaaaahhhhh!!!!!! kainis" -napaupo nalang ako sa sofa

maya-maya lumapit na si tatay

"oh anak, napag-isipan mo na ba yung marraige?"

haaaayyy.. no choice, sige na nga papayag na ako

"yes tay, papayag na ako"

"wala ng atrasan yan ah? salamat talaga anak..." -tatay

E.P.A.L (Everlasting Peace And Love <3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon