Chapter 9

4 0 0
                                    

nandito ako ngayon sa kwarto ko, 1:43 am na hindi pa ako natutuog, hanggang ngayon iniisip ko parin yung sinabi sa akin ni Gina

dapat ko nga bang ipaglaban ang nararamdaman ko para kay yumi? pano kung hindi na pala nya ako mahal? edi parang nagmuka narin ankong tanga?

dahil ako nalang mag-isa ang lumalaban?

eh sino nga naman ang unang bumitaw? diba ako?!! sino ba ang unang sumuko?? diba ako din??! eh iniisip ko lang naman yung kapakanan niya eh, ayoko siyang

makitang nahihirapang pumili between me and her father,...

yun nga lang pareho kaming nasasaktan, susuko nalang ba ako ng ganun ganun lang?

pero makaka-move on din naman siya pag nakilala na naman niya yung mapapangasawa niya eh

"aaaaiiiissssshhhhh!!!!!!!! ano ba ang dapat kong gawin!!! -_-"

binuksan ko yung radyo para makatulog ako

"alam mo, wala namang mawawala sayo kung ipaglalaban mo kung ano yung sinisigaw ng damdamin mo eh, ang mahalaga lumaban ka, manalo matalo,

panalo ka parin, kasi ang importante sinubukan mo," -dj shyne

"thank you po dj shyne sa advice.. nakatulong po ito sakin :)" sabi nung caller

ang gara ah. tinamaan ako dun, saktong sakto eh

kaya ngayon alam ko na kung anong magiging desisyon ko.

--------kinabukasan-------

hindi ako pumasok sa school, dahil may importante akong pupuntahan.

SANA hindi pumalpak yung plano ko, SANA pumayag yung tatay nya...

papunta ako ngayon sa bahay nila yumi para kausapin ang tatay niya, kukumbinsihin ko sana siya na wag ng ituloy yung arriange marriage ni yumi sa ibang lalaki

papakiusapan ko siya na ako nalang, ang ipakasal nya kay yumi, kaya naman ng naming suportahan ang negosyo nila eh, alam ko namang maiintindihan ako ng mga

magulang ko.

*ding dong* *ding dong*

may nakita ako na umabas na lalaki, para siyang lalaking version ni yumi... pero mas pogi parin ako wahaha XD

"anong kelangan mo?" tanong nya

"ahm.. nandyan ba yung tatay ni yumi?" sagot ko

"oo" maiking sagot nya,

"pwede ko ba siyang makausap ??"

"tanong mo sa kanya. pasok ka andun siya sa loob" tapos umalis na siya

oh?! grabe naman, hindi man lang ba nya ako kikilalanin? siguro kung member ako ng gang, dali lang nitong mabudol.

"tay!! may gusto daw kumausap sayo!" sigaw ng kuya ata ni yumi, tay daw eh. kaya pala kamuka nya

"sino?!" sagot naman ng tatay nya, putek marinig ko palang boses kinakabahan na ko >_< parang gusto ko ng magback out..

pero hindi dapat subukan ko para kay yumi, para sa AMIN ni yumi.

"ewan ko, tanong mo nalang sa kanya kung anong pangalan niya." tapos umakyat na siya ng hagdan

habang ako naiwan sa sala, akala ko ba andito siya? asan na yun?

maya maya may nakita akong kasing edad lang siguro ni papa na lalaki, siguro eto na yung tatay ni yumi

*ehem* dapat magpa-impreesss ako para magustuhan nya ako

agad akong tumayo at binati siya

"ahmm.. gu-good morning po sir. ako nga po pala si mi--"

"mike?? anong ginagawa mo dito?"

napatingin ako dun sa nagsalita sa may ikod ko

"pa? ano pong gingawa nyo dito?"

"answer my question first." sabi ni papa ?_?

"ahmm.. may ipapaikusap lang ako sana kay sir alvarez" sagot ko

"at ano naman yun?" tanong ni papa

"ahmm..(humarap ako kay sa tatay ni yumi) sir ako po si mike, boyfriend po ng anak nyong si yumi." simula ko

putek eto na to kaya ko to, nakita ko namang nagulat yung tatay ni yumi, tsaka si papa

"boyfriend ka ng anak ko?" tanong nya

"opo, at alam ko pa na next year ay ikakasal na siya sa ibang lalaki at ayoko po sanang mangyari yun, sir mahal na mahal ko po ang anak nyo at ayoko po na

mawala siya sakin. sir nakikiusap po ako sa inyo sana po pagbigyan nyo na po ako, lahat po gagawin ko para kay yumi, wag nyo lang po sanang ituloy yung kasal"

nakita kong ngumiti ang tatay ni yumi, at lumapit naman sa akin si papa

"anak, gano mo ba kamahal ang anak ko? kaya mo bang mamatay para sa kanya?" tanong sa akin ng tatay ni yumi

"hindi po, dahil nabuhay po ako para pasayahin siya, mahalin at alagan at hindi mamatay para iwan siyang nagiisa at nasasaktan, pero handa ko pong gawin lahat

ng makakaya ko para sa kanya hanggang sa huling hininga ko." sincere kong sabi oha! hugot!! pero totoo yun

"itutuloy ko na ang kasal." maikling sabi ng tatay ni yumi

"pero----"

"sa tingin ko nga dapat na nating ituloy ang kasal" dagdag pa ni papa

ha??!! naguguluhan ako, bakit ba andito si papa at anong kinalaman niya sa kasal ni yumi?

"ano po ng ibig nyong sabihin??" tanong ko

hinawakan ako ni papa sa baikat at nginitian

"diba nagtataka ka kung bakit ako nandito? dahil pinaguusapan namin nitong kumpare ko ang nalalapit mong kasal kay yumi."

(0_0) AAANNNOOO!!!!???? 'nalalapit MONG kasal kay yumi'

"hindi ko pa nasasabi sa'yo anak na ikakasal ka na next year dahil hindi pa kami sigurado, pero ngayon sigurado na kami"

"na??"

"ituoy ang kasal nyo ni yumi, dahil IKAW ang lalaking dapat na papakasalan ni yumi, kami ng tatay ni yumi ang nagkaroon ng kasunduan noong nakaraang 2 taon.

ibig sabihin ba nito????-----

--------------------------------------

E.P.A.L (Everlasting Peace And Love &lt;3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon