Sing-along Activity [Part 2]

59 2 0
                                    

Continuation...

"Love ano ba 'yang tanong mo. Tignan mo ang Anak mo, biglang nagblush."

Muntik naman akong mabilaukan sa tanong ng Papa ni Bianca.

"Okay okay no need to answer my question, I got the answer na."

"Papa!!!" sabi ni Bianca.

"Love stop it, 'yung anak mo lalong nagbablush."

Kumain na lang kami pero si Bianca nakayuko habang kumakain while her Mom and Dad are having creepy stares to each other.

Pagkakain nakatulog si Nyx kaya hindi na muna kami umalis.

Nagsabi naman ako kay Mama na baka gabihin kami dahil tulog nga si Nyx.

"Iho, salamat sa pag-asikaso sa Anak ko ha." sabi ng Papa ni Bianca.

Nandito kami sa garahe nila dahil kinuha ko sa motor 'yung baong dami ni Nyx pamalit.

"Wala po 'yun, salamat din po. Kanina lang po tayo nagkakilala pero napaka-welcome n'yo po."

"Nako Wryan, tuwang-tuwa kasi kami ng Mama nitong si Bianca kasi ngayon lang may nabisitang kaibigang lalaki ang Anak namin."

"Hindi pa po ba nagkakaroon ng boyfriend si Bianca kahit isang beses?"

"Hindi pa, kaya nga ng makita ka namin ng isang gabi na hinatid mo sila akala namin ikaw na ang boyfriend ng anak namin."

"Bakit n'yo po naisip iyon Tito?" taka kong tanong.

"Dahil hindi nagpapahatid kahit kanino ang Anak ko. Kung napapayag mo s'yang ihatid dito sa'min, tingin ko may pagtingin sa'yo ang Anak ko."

"Imposible naman 'yun Tito, kailan lang kami nagkakilala eh."

"Wala 'yan sa tagal ng pagiging magkakilala n'yo o pagiging magkaibigan n'yo. Nasa bagay 'yan na nalalaman, natututunan at nagagawa n'yo kapag magkasama."

"Hindi ko po kayo maintindihan Tito?"

"What I mean is, day by day you're both getting to know each other more. Day by day you're both learning to like each other more or... you're both loving each other more."

Natulala naman ako dun, Tito pinapayagan mo ba 'kong ligawan Anak mo?

"Pasok na 'ko sa loob."

Sumunod na lang ako sa loob at pinalitan ng damit si Nyx.

"Bianca why don't you go outside and walk around, kayong dalawa ni Wryan." sabi ni Mom.

"Mom, may sugat nga ako tapos paglalakarin mo pa."

"Love, pabili naman ako ng pang-shave oh, time to dispose my shaver na eh." sabi ni Tito pagbaba ng hagdan.

"Ayan na lang, Wryan pwede bang magmotor kayo ni Bianca para bumili ng shaver ng Tito mo?"

"Opo, no problem."

"Bianca you know what brand it is ha."

"Yes Mom."

"Wry, ingat kayo." sabay kindat ni Mom. "Enjoy you're time together." she mouthed.

Kinaya naman n'yang maupo sa motor mag-isa, ayaw na siguro n'ya magpatulong sa'kin.

"Dun na lang tayo sa convenience store sa may subdivision n'yo, wala kasi dito sa'min eh."

"Sige."

Pagdating sa convenience store, wala kaming makitang shaver na brand na gusto ng Papa ni Bianca.

"Mag-ikot tayo sa mga tindahan." sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SG-HunHan's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon