Sing-along Activity [Part 1]

147 7 2
                                    

"Nak sunduin mo na pamankin mo sa school."

"Wait lang Ma, mananalo na 'yung idol ko eh." titig sa TV kong sagot kay Mama.

"Oo na ito na paalis na nga eh." kinuha ba naman 'yung remote ng TV para ilipat ng channel.

"Lagi ka na lang late magsundo."

Susunduin ko na pamangkin ko dala ang motor, 10 minutes bago sila mag-uwian dapat andun na 'ko pero laging 10 minutes after uwian ako nakakarating kaya huli nakakalabas pamangkin ko.

"Kuya Jun." tawag ko sa Gwardya ng school.

"Andito na ang sundo ni Nyx." pagsasalita ni Kuya Jun sa Mic.

Tinatawag ni Kuya Jun 'yung mga estudyante using microphone at may speaker 'yon sa loob ng classroom.

Sinalubong ko naman si Nyx para kunin ang bag n'ya.

"Andito na ang sundo ni Kelly."

"Tito tinuruan kami ni teacher magsulat."

"Talaga? Oh tara uwi na tayo."

"Aray!"

Nagulat naman ako dahil tumama ang helmet na hawak ko sa may hita ng isang dalaga. Pag-ikot ko kasi ay hindi ko alam na may tao pala sa likod ko.

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya."

"O—okay lang, sorry din kasi hindi ako nakatingin."

"Pasensya na talaga ha."

"Kelly babye, Kuya Jun babye po." magiliw na sabi ni Nyx kay Kelly at kay Kuya Jun na nagsisilbing gwardya ng school.

Ang ganda ng sundo ni Kelly, siguro ka edad ko lang s'ya. Badtrip naman kasi 'tong helmet na 'to eh bad shot na agad ako.

Teka! Ngayon ko lang nakita 'yun ah. Sabagay, paano ko nga naman makikita 'yun kung laging late ako magsundo.

Madalas kasi kapag nagsusundo ako, si Nyx na lang natitira sa classroom nila.

Pwede kayang makita ko pa s'ya bukas?

Kinabukasan...

"Nak sundui—-aga mo ngayon ah."

"Hehehe sige na Ma, alis na 'ko."

Ako na mismo ang nagmaaga para masundo ang pamangkin ko slash para makita si 'Oh so pretty na sundo ni Kelly' ehem with the rhyme.

Sa sobrang excitement na naramdaman ko hindi ko napansin na naiwan ko pala helmet ko kaya balik naman ako. Buti nakakalimang blocks pa lang ako away from our home.

"Kuya Jun!" tinawag naman ni Kuya Jun si Nyx. Nakita kong hinatid ni Teacher Neth nila si Nyx at Kelly.

Ayos 'to, mukhang makikita ko nanaman si Pretty.

Nilapitan ko naman sila at kinausap ako ni Teacher Neth.

"Ahm Tito nakagat si Nyx ng classmate n'ya, hindi naman nasugat nagkaroon lang ng pamumula."

"Sige po ma'am."

"Tito si Kelly 'yung nagkagat sa kamay ko." sabi naman ni Nyx habang pinapakita 'yung kagat sa kanya.

"Andito na 'yung sundo ni Kelly." sabi naman ni Kuya Jun.

Lumapit naman si Miss Pretty na sundo ni Kelly.

"Ma'am and Sir, magkakaroon sila ng sing-along activity, any song po and silang dalawa ang magpartner. Sana po matulungan natin sila sa pagkanta. Isang song lang naman po and next week on Monday ang Performance nila."

SG-HunHan's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon