Part 1

3.3K 22 4
                                    

PROLOGUE

Ako si Koi 4rth year highschool student.Happy-go-lucky na tao.Mahilig sa ibat-ibang trip lalo na kung kasama ang barkada

"Koi !!!" sigaw ng tatlo

Andito na sila si Hanz , James at Kim.Sila ang aking mga katropa.2nd year highschool palang kami magkakaibgan na.

"Nalate ka ata ??" tanong sa akin ni James

-kamot sa ulo- "OO nga eh..nahirapan akong tumakas sa teacher namin..matinik eh haha"

"Pang-ilang cutting classes naba natin to ??" Kim

"Wag mo nang bilangin , hindi na rin naman tayo makakagraduate wahaha" Hanz

"Siguradong lagot ako kay erpats nito" Kim

"Hayaan mo na basta magkakasama tayo!!! Diba!?!" sabi ko sabay akbay sa tatlo.

"Yun naman.." sagot ng tatlo.

Habang naglalakad kami palabas ng eskwelahan.Naikwento ni James ang tungkol sa C.R na matagal nang abandonado sa 3rd floor ng Forfeit building ng school kung saan abandonado na rin.Sinasabing may kakaibang nangyari sa C.R na iyon kung kayat inabandona na mismo pati ang ikatlong palapag.

"Ahooo~ ano kaya ang misteryo sa loob ng inidoro ?? XD" Hanz

"Eh bakit hindi natin alamin?? :)) " Kim

"Maganda yan!! "sab ko..Gusto ko rin naman ang thrill.

"Hindi naman masamang subukan....hihihi" James

Bumalik kami sa loob ng campus at naglakad papuntang Forfeit building.Kung titingnan ang school nmin masasabi mong luma na nga ito,mga around 1890's.May kauntian lang din ang mga estudyante dito.Karamihan ng pumapasok dito ay lalake dahil kadalasan para sa pagka-pari ang course dito, may ibang course din naman para sa mga babae.Pero ako lilipat na rin ako after graduation , ang problema hindi ako gragraduate kaya...ulit na lang ulit :) . Ang alam ko dati itong sementeryo.Yung pinaglibingan sa mga namatay na sundalo Hapon man o Amerikano.Medyo madilim din sa loob lalo na pag hapon minsan kasi inaabot ng 7pm ang pasok ng mga estudyante rito.Maririnig mo ang huni ng mga kuliglig kasabay ng malakas na hangin. Sabi rin sa mga ilang usap-usapan meron daw talagang mga kakaibang nangyayari sa school na to.Pero ngaun ko lang narinig ang tungkol sa Forfeit Building.

"Hoy Koi !! ano ba iniisip mo dyan ? natatakot kaba?!" Hanz

Nagtawanan silang lahat.

"Ako?? Asa haha" Wala ata akong kinatatakutan. Pero...bgla akong kinabahan at pinagpawisan nang mamalayan kong nasa tapat na kami ng nasabing C.R . Kakaiba ang aking pakiramdam.Parang may malakas na enerhiya ang nasa loob nito.

"Tama lang yan walang duwag sa barkada!!" Kim -sabay akbay sa akin-

"Tara na!! pasukin na natin tong haunted C.R~ " sab ni James ng may halong pananakot.

Ngunit natigil ang pagpasok ng dumaan ang isang matandang janitor ng aming eskwelahan.

"Wag nyo nang ituloy ang binabalak ninyo! Delikado ang pumasok riyan.Sinasabi ko na sa inyo!! Pagisihan ninyo!!." wika nito

----------------pt 1 ended---------------

Itutuloy kaya ng barkada ni Koi ang pagpasok sa abandonadong C.R sa ikatlong palapag ng Forfeit Building ?? Abangan.

Haunted C.R (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon