Part 4

774 13 4
                                    

Sa wakas... andito na haha :D Pasensya napo sa mga nabitin :'( hnd ko po sinasadya..Well para po sa inyo ito ^___^ Enjoy

----------------------------------------------------------------------------------------

James POV

Tumingin ako sa langit.Madilim na.Sigurado akong tapos na ang klase sa buong campus at tanging mga janitor nalang ang nandito.Lumabas kami para bumili ng makakain at kumuha ng flashlight sa bodega ng school.Ewan ko pero masama ang kutob ko sa pag-iwan namin kay Koi sa Forfeit Building.

Pabalik na kami ng biglang...

Boogsh~

Isang malakas na lagutok ng kung anong bagay ang nalaglag galing sa building.Masama na to..

"Pre ano yun?!" Kim

"Tara puntahan natin!" sabi ko na may halong pangamba.

Hindi ako sigurado kung bagay nga lang ba yung nalaglag duon.Pero sigurado akong galing yun sa may hagdan.

Agad kaming tumakbo papunta sa loob ng building.Umakyat kami sa may hagdan at nakita namin si Koi na walang malay at namumutla sa dulo ng hagdan ng 2nd floor papuntang 3rd floor.

Mga ilang minuto din siyang nawalan ng malay simula ng dumating kami.Hindi namin alam kung ilang oras na syang walang malay.Halos wala na syang pulso.

"Koi !! Pare !" Hanz

"Oi ano ba ? Patay kana ba??!" Kim

Halata sa mga mata ng mga kaibigan namin ang pag-aalala.Hindi sana ito mangyayari kung hindi kami pumunta dito para sa trip.Hindi namin alam kung buhay pa ba si Koi o patay na...

Ngunit maya-maya'y dahan-dahang iminulat ni Koi ang kanyang mga mata at bigla siyang bumangon sa pagkakahiga nya sa sahig.

"Oi Koi ano ba nangyare sayo??" sabi ko na may halong pag-aalala

"Hoi pre alam mo bang tumigil ang pulso mo ? Sobrang natakot kami kala namin patay kana" Hanz

"Pre tara dalhin ka namin sa ospital,mahirap na!" Kim

Ngunit para syang batang nawawala at hindi namin maintindihan ang kanyang ikinikilos.Kung saan-saan sya nagtitingin at wari mo ay may hinahanap.Tingin doon,tingin dito.

Pagkatapos nun ay kumaripas siya ng takbo na paika - ika pabalik sa C.R kung saan kami nanggaling kanina.

Tumakbo kami at sinundan sya.

"Hoi Koi!!!" sigaw ni Hanz.Pero hindi ito nakinig sa kanya.

Tumigil kami sa C.R.Nakabukas ang pinto.Nakita namin syang nakatayo sa loob ng C.R at nakatalikod sa amin.

"Nasan na sya??!!" Koi.

"Sino tol ? " tanong ko sa kanya.

"Yung babae!! tutulungan ko sya!"

Nagkatinginan kaming tatlo dahil hindi namin maintindihan si Koi.

Kim's POV

Dahan-dahan naming inalalayan si Koi palabas ng C.R.Ngunit nang bumalik ako para isarado ang pinto...

..

..

..

..

..

..

"Huli na kayo~ Huli na kayo~ Huli na kayo~ " paulit-ulit kong naririnig sa aking utak ang bulong ng isang babae.

"Tama na!..tama na..!Sino ka ba!? Wahh!" sigaw ko habang nakatakip sa aking mga tenga.

"Kim??! anong nangyayare sayo??" Hanz

Ngunit unti-unting lumalakas ang nakakatakot na bulong sa aking utak at kasabay nito ang isang matinis na tunog.Wala akong nakikita ngunit nararamdaman kong may kamay na sumasakal sa aking leeg dahilan upang ako'y maghabol sa aking hininga.Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa.Hindi ko na rin magawang sumigaw.

Hanz' s POV

Habang inaalalayan namin si Koi,biglang sumigaw si Kim ng napakalakas.Nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga at patuloy syang sumisigaw.

"Kim??! Anong nangyayare sayo??" sigaw ko sa kanya.

Ngunit maya-maya'y tumigil na siya sa pagsigaw.

"Kim??" wika ni James ng may pangamba.

"Anong nangyare??" wika ni Koi na hinahabol ang hininga sa pagod.

Itinapat ko ang flashlight ko kay Kim at nakita ko syang nakaupo sa tabi ng pinto ng C.R.Nakayuko sya at hindi nagsasalita.Habang hindi namin inaasahan ang sunod naming nakita...

Dahan-dahang umagos ang dugo mula sa tenga ni Kim at unti-unting bumagsak ang kanyang katawan.

"Kim!!!" sigaw ko.Nilapitan ko sya at tingingnan kung meron pa syang pulso.Ngunit nagulat ako dahil huminto na ito sa pagtibok!.

"Mga Pre...wala na si Kim" sabi ko ng may halong kalungkutan.Gusto kong umiyak pero alam kong hindi ito ang tamang panahon.

"Guys kelangan na nating umalis dito!!Nararamdaman kong nandito lang ang babae.Hindi nya nais na atin syang matulungan kundi tayo ay mapaghigantihan." seryosong pahayag ni James.

Matagal ko nang alam na may kakayahan si James na bumasa sa mga hindi nakikita ng dalawa nating mga mata.Kung tutuusin sa aming apat ako nalang ang walang nararamdaman na kung ano,wala akong alam sa nangyayare.

"Hanz tara na wala na tayong magagawa..hanggang dyan na lang talaga sya kelangan nating tanggapin." sabi ni James

"Ano?! Iiwan natin sya dito?? Pababayaan natin ang katawan nyang ganan?!" sabi ko habang umiiyak na may halong inis.

Bat ganun sya? Parang hindi namin kaibigan si Kim.Hindi na sya naawa.

"Malalaman din nila ang nangyare sa kanya.Sa ngaun kelangan na muna nating iligtas ang ating mga sarili.Nakita mo na dba?.Mapanganib sya..gusto nya tayong patayin sa hindi malaman na rason.!!"

"Eh wala ka palang kwenta eh!! Bat ba kasi tayo napunta dito?! Sino ba ang nagtulak sa barkada na sabakin to?!" galit kong pahayag.

"Ikaw Koi !! Ikaw ang naglapit sa babaeng yan sa atin!! Ikaw ang may kasalanan! " dugtong ko.

"Sinabi ko naman sa inyo un noong una..pero hnd kayo nakinig..." Koi

"Ano ba Hanz?! Ginusto nating lahat ito!! Wala kang dahilan para manisi...Aalis na tayo dito,ako na bahalang umalalay kay Koi at ikaw na ang bahala sa ilaw kung ayaw mo na ayos lang" James

Inilalayan ni James si Koi at nagsimula na silang lumayo.Tiningnan ko ang bangkay ni Kim.

"Sorry Tol.." huling mga salitang nasabi ko kay Kim.

Dala-dala ang flashlight,sinundan ko sila.Dahil medyo malaki ang aming skwelahan natagalan kami sa paglalakad.At ang kaisa-isang flashlight ko ay malapit ng maubusan ng baterya.

Huminto kami sandali sa paglalakad upang makapagpahinga sa pagod.

"Pare paubos na ang battery ng flashlight" Hanz

"Koi anong oras na ba?" James.

"12:00 pm.." maikling pahayag ni Koi.

"God" nasabi ko sa takot ko sa oras.

"Mabuti pa dun na muna tayo sa ground.Duon may ilaw sa gilid sa mga pathways" sugestyon ni Koi

"Cge" James

--------------------------------------------

Guys sorry kung bibitinin ko na naman po kayo dito ha! Suri :"( Pero UD po agad ako promise ^___^ .

Be my Fan.

Vote.

Comment.

Suggest.

Haunted C.R (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon