Bonus Story :D

1.1K 15 5
                                    

> Bago ang part 3 may isang experience muna ako na ishashare ko sa inyo :)) <

Dahil experience ito ibig sabhin lang nyan totoo itong nangyari....

Noong isang araw lang pauwi na kami ng mga pinsan ko galing sa labasan.Apat kami nun,2 lalake at 2 babae.Ako ang pinkamatanda sa lahat 15,si Maan na 8,si Russell na 13 ,at si Justine na 12 .Pauwi sa amin ay pede kang mamili sa dalawang daanan.Yung sa isang daan maliwanag at maraming bahay.Yung isa naman madilim na eskinita at maunti lang ang bahay.Dahil 8pm na nun at medyo makukulit ang mga kasama ko (kasama na pala ako dun).Naisipan ng mga pinsan kong lalake na takutin ang pnkabata sa amin na si Maan kaya dumaan kami sa madilim na eskinita.Pumayag kasi wala naman sakin yun tska gusto ko rin naman ng trip.Kaya ayun,tumuloy kami sa daan.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako natatakot sa mga multo o kung anuman kasi hindi pa rin naman ako nakakakita.

Yung daanan na yun ay gawa sa semento.Sa gitna ng pathway ay may nghahati na kanal.

Hindi pa man din kami ngsisimulang pumasok sa eskinita ay umiyak na si Maan dahil tinatakot na siya nung dalawa.Ako naman wala lang "ok magtakutan kayo dyan bahala kayo sa buhay nyo" haha yan ang iniisip ko.Nung pumasok na kami nauuna ung tatlo sa akin dahil nagtatakutan sila masyado na sila mabilis maglakad.Dahil nahahati ung pathway sa dalawa tawagin na lang nting "path 1" at "path 2".Nasa path 2 kami.Pag dumaan ka sa path1 sa gilid nito ay may bahay na nagiisa lang.May mga puno sa paligid nito.

So ayun na nga nglalakad na kami pauwi nang bglang may lumabas na lang na kung ano sa dilim.Nasa path 1 siya ngcmula at papasalubong siya sa amin.Napansin ko agad sya.Medyo mataba na babae at mahaba ung buhok.Hindi ko sya makita kac sobrang madilim.Kapansin-pansin din ang lakad nya.Nakayuko sya at medyo kakaiba ang paglakad.

Tinitingnan ko cia habang ung tatlo naman eh nauuna sa akin.Hanggang sa malampasan na nya ang mga pinsan ko at ngayon lalampas na sya sakin.

Nang malapit na ciang lumampas sa akin...Bigla syang lumiko mula sa path 1 patungong path 2 kung saan naroon ako.Inaamin ko nung tinitingnan ko sya natakot na ako.Nakita ko cia sa harap ko na pasalubong....pasugod sya eh.Parang animo'y galit sya sa akin kayat medyo bumilis ang lakad nya na nakayuko patungo sa akin.Takot na takot na ako kaya ano pa nga bang gagawin ko??.Edi tumakbo ako papuntang path 1 at ngderederetso na.Nagsisigaw ako kayat nagsitakbuhan na rin ang mga pinsan ko.Habang tumatakbo ako nililingon ko sya...pero nawala syang parang bula.

At ang nakakatawa nun sa kasamaang palad ngplanking ako sa dilim xDD. Binalikan ako ng mga pinsan ko.Grabe nakakahiya ako pa naman ang matanda ako ang nadapa saket ha :"3 .Eto pa kala ng mga pinsan ko kasama un sa plano x.x Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.Kung noon hindi ako naniniwala sa mga supernatural ek ek na yan...ngaun hnd ko na alam.

Sabi ng parents ko lumakas lang daw ung gnung imagination ko kasi nga nangyari ito habang sinusulat ko itong Haunted C.R .Hindi ko alam.Pero swear hindi na ulit ako dadaan dun x"3.

Kayo ba may mga experience din ba kayong ganan?? Hirap ikwento no?? parang totoo o hindi.Pero kung may experience din kaung gnan comment it wala naman cguro masama sa pagshashare dba?? :"D Thankies

P.S pasensya na kung nacornyhan na kau sa part 2 ewan narealize ko mahirap pala mgshow and tell at the same time para sa mga gnung scenario.Hirap manakot -.-

At isa pa sorry kung ngaun na lang ulit ako nakapag-update masyado naging busy eh x')) .. cge un lang ^^

Haunted C.R (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon