Kabanata 11

3K 407 213
                                    

Ella

"One hundred million? Siya ba ang nakuhang tagapagmana kaya ganon?" Wala sa sariling kinausap ni Ella ang nagpapapirma sa kanya ng isa pang kontrata na umaayon siya sa pakikipagdate kay Cairo habang nasa Temptation Island.

"Ikaw ang pinakamalaking bid, Miss Ella." Natutuwang wika ng babaeng nag-aasikaso ng dokumento, "At natanggap na agad namin ang isang daang milyon, hindi kami makapaniwala. Nakakalula!" Tuwang-tuwa pang dagdag nito.

"Ako rin, hindi makapaniwala." Nakingiwing wika niya. 

Nakakahiya talaga ang naging litanya niya noong nagkahiwalay sila ni Cairo. Na magiging mayaman din siya! Hindi ganitong yaman ang naiisip niya nang panahong iyon. Iyon bang hindi niya na kailangan tumingin sa price tag tuwing nagogrocery. Iyon bang hindi nanghihinayang sa limang daan kada kain. 

But this? This is too much. 

Of course she knows that he's already a part of the Monasterio Brothers, ano ba iyong magkakapatid na iyon? May galit sa pera kaya ganon na lang kung makapagwaldas para sa date?

"Akala ko kay Mr. Lucifer ka mapupunta, humabol pa ang morenong Monasterio. Ang hot ng isang 'yon, hindi ba Niña?" Tanong pa nito sa katabi.  "Ganoon ang tipo ko 'e. Rugged, rough, oh lala! Parang itatapon ka muna sa kama bago paligayahin!" 

"Sssh, tumahimik ka nga Queenie, baka hindi na kumportable si Miss Ella sa mga komento mo."

"Okay lang." She smiled, "Pero hindi naman iyon nagtatapon ng tao sa kama. Madalas ay magtatanong pa iyon kung kumportable ka o kung anong gusto mong pace---"

Natigilan siya nang maisip ang sinasabi, nagkatinginan silang tatlo.

"Siguro. Siguro. Di ko sure." She let out a nervous laugh. Nagkibitbalikat ang dalawang babae at dinouble check ang pinirmahan.

"Si Mr Cairo na ang magpaplano ng date, dahil nakapirma ka na ay hindi ka po maaaring tumanggi, Miss Ella. Kung hindi ay ikaw ang magbabayad ng one hundred million."

"W-wala akong ganoong halaga.."

"Kaya po kailangan niyo lang magcomply sa napagkasunduan." Nag-bow sa kanya si Niña at Queenie bago siya iniwanan sa backstage.

Malakas ang kabog ng dibdib niya nang mag-isa na lang siya roon. What's next? Paano na si Mr. Salvio? Nakakahiya na ito ang nagdala sa kaniya rito pero maiiwanan niya ng tatlong araw. Siguro naman ay pupwede niyang pakiusapan si Cairo na puntahan si Mr. Salvio sa cabin nito. Also, she cannot tell him that Mr. Salvio is her client. Pinoprotekhan niya ang privacy nito, at ano naman ang iisipin nito sa kanya kung malaman na nag-e-escort siya? Ang taas -taas ng pride niya noong nagpaalam dito tapos eto rin naman ang ending niya. Naghahanap pa rin siya ng sugar daddy.

Dahil sa hindi niya alam ang gagawin ay nakialam muna siya sa dressing room sa likod ng stage. She couldn't believe a place like this could exist, walang means of communication sa labas at ang lahat ng tao ay nagbibigay ng atensyon sa bawat nakakasalamuha nila.  

"Kumusta ka na, Ma'am?" 

Pinanlamigan siya nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. 

"C-cai!" She immediately turned, and her insides churned. Gumalaw ang panga ng lalaki habang tinititigan siya. He looked ten times manly now; he grew more muscles, and his skin, although still golden, became even more glowing. Iba siguro talaga ang panligo ng mayayaman. 

"O.." Nagulat siya nang may iabot sa kanya si Cairo, tumaas ang kanyang kilay. A small mouthwash bottle? 

"O-okay." She nodded her head, understanding what he meant. Kinuha niya agad ang bote ng mouthwash at dumiretso sa restroom para laklakin iyon. She counted 30 seconds while gargling before spitting it. She turned on the faucet and even washed her lips. Hindi na siya nag-abalang magretouch pa ng lipstick at bumalik kung nasaan si Cairo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 18 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Temptation Island: Illicit TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon